top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ipinalit sa madir ng anak… ERICH, PINAGDUDAHAN NG MGA NETIZENS NA BAGONG BABAE NI CARLO

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | February 02, 2022




Patapos na ang teleseryeng La Vida Lena ni Erich Gonzales kasama sina JC de Vera, Janice de Belen, Kit Thompson, Raymond Bagatsing, Agot Isidro, Carlo Aquino, Pen Medina, Sofia Andres at marami pang iba handog ng Dreamscape Entertainment mula sa direksiyon nina Jerry Lopez Sineneng, Jojo Saguin at Andoy Ranay.


Sa nasabing serye ay maraming life lessons at realization si Erich tulad ng pagpapatawad at pagmamahal sa sarili para sa ikapapayapa ng puso at isipan niya.


Aniya, “Importante po talaga is forgiveness. Nagsimula lahat sa pagmamahal, ang dami nang nangyari, pero at the end of the day, ‘yung realization po diyan for me is forgiveness talaga.”


Dagdag pa, “It’s a gift also that you give yourself na katulad nu’ng sinabi ko, finally you have your peace and ‘yun, lahat po ng ginagawa natin, mayroon po ‘yang balik.


“So, katulad ng sinabi ni Ms. Agot (Isidro), importante na kung ano ‘yung itinatanim natin dito (sa puso), ‘yun din kasi ‘yung magpo-flourish.


“Might as well, puro kabutihan na lang dapat. I know walang perpekto sa mundo pero 'di ba, given the chance, puro kabutihan na lang po sana. Not siguro for anyone but for yourself kasi ikaw din naman ang mahihirapan niyan, eh, if meron kang itinatanim na grudge or hatred.”


Totoo naman ang sinabing ito ng aktres na tanda namin ay ilang beses na ring nasuong sa kontrobersiya noon na may kinalaman sa buhay-pag-ibig, pero ni minsan ay hindi niya ito pinansin at kusa na lang namatay ang isyu.


Ano'ng katangian ni Lena na karakter ni Erich sa La Vida Lena ang gusto niyang tularan?


“'Yung pagiging positive. Siguro, bago naman nangyari ‘yung lahat ng trahedya sa buhay ni Lena, she’s very kind-hearted, she always sees the good in people. Talagang masasabi ko na selfless siya.


“And ‘yung negative lang naman siguro, dahil sa lahat ng nangyari sa kanya kumbaga, napuno siya ng hatred, kinain siya ng galit at poot to the point na nakakagawa na siya ng mga bagay na hindi niya naiisip na nakakasakit na pala siya hindi lang sa sarili niya kung ‘di sa mga tao sa paligid niya,” pahayag ng aktres.


Samantala, hindi naman nakadalo sa final mediacon si Carlo Aquino para sana maklaro ang tsikang si Erich ang dinadalaw niya.


Walang binanggit ang live-in partner ni Carlo na si Trina Candaza kung sino ang babaeng pinupuntahan ng aktor, pero sa mga komento ng mga netizens sa post ng huli sa kanyang Facebook account ay tinatanong ang binata kung nasaan si Lena.


Subaybayan ang huling linggo ng La Vida Lena mula Lunes hanggang Biyernes, 10 PM sa Kapamilya Channel at iba pang platforms ng ABS-CBN.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page