Ipinalit sa It's Showtime… HIRIT NG NETIZENS: BAGONG SHOW NI LUIS, GAWIN NANG PERMANENT!
ni Julie Bonifacio @Winner | October 14, 2023

Overwhelmed si Luis Manzano sa bilis ng paglaki ng unica hija nila ni Jessy Mendiola na si Isabella Rose Manzano or Rosie/Peanut.
Ibinahagi ni Luis sa kanyang Instagram account ang latest photos ni Peanut when she turned nine months old ngayong Oktubre.
Say ni Luis, “Can’t believe you are 9 months na anak, we love you so much."
In fairness kay Peanut, malaking blessing talaga siya sa Daddy Luis niya.
Pagkatapos ng controversy sa gas station business niya with his friends ay naabsuwelto agad si Luis sa reklamong isinampa sa NBI (National Bureau of Investigation) laban sa kanya.
Then, nagkasunud-sunod na ang pag-ere ng kanyang mga shows sa ABS-CBN. While on the side ang pagdami ng kanyang endorsements and TV commercials.
And now, may pa-bonus pa na bagong show sa ABS-CBN, ang It’s Your Lucky Day.
For sure, lalong appreciated ni Luis ang pagtawag sa kanya ng supermom niya na si Star for All Seasons Vilma Santos.
At this early, inulan ng pagbati si Luis mula sa kanyang mga followers sa Instagram sa ipinost niyang picture ng poster para sa bagong Kapamilya noontime show titled It’s Your Lucky Day.
Pangungunahan ni Luis ang hanay ng mga hosts sa It’s Your Lucky Day na pansamantalang papalit sa It’s Showtime simula ngayong Sabado, October 14.
Caption ni Luis sa kanyang IG post, “Lucky Kapamilya, Kapuso at Ka-A2Z!
“Paparating na ang magbibigay ng suwerte at share-bisyo sa atin tuwing tanghali-#ItsYourLuckyDay!
“Simula ngayong October 14 na!"
Siyempre, pinusuan ng misis ni Luis na si Jessy Mendiola ang post ng kanyang mister. Habang ang ilang celebrity friends nila ay binati rin si Luis.
“Love you guys @luckymanzano @iamrobidomingo @mrandmrsfrancisco you got thissss!!!"
Kasama ni Luis sa It’s Your Lucky Day ang Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros at sina Robi Domingo, Jennica Garcia, Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin, plus ang favorite barkada ni Luis na sina Long Mejia, Negi, Petite, Divine at Tetay.
May netizen na pinuri ang ABS-CBN production people for their creativity.
“I admire the creativity of ABS-CBN - the supposedly misfortune turned out to be great opportunities! Congratulations.”
Intentionally, ang It’s Your Lucky Day ay pansamantalang pamalit sa It’s Showtime bilang pagtupad sa 12-day suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Kapamilya noontime show.
Pero ngayon pa lang, may mga netizens nang nagwi-wish na maging permanent show na ang It’s Your Lucky Day.
“Can't wait to watch your show It's Your Lucky Day. Good luck and sana, maging regular na din not only 12 days. Back to back with Showtime.”
Nag-reply si Luis sa comment ng netizen, “Sana nga!"
Why not? Puwedeng magtuluy-tuloy na rin ang It’s Your Lucky Day as pre-programming ng It’s Showtime.
Matatandaan na nagsimula ang It’s Showtime noon as pre-program ng dating noontime show ni Willie Revillame sa ABS-CBN.
Bonggabels ‘yun ‘pag nagkataon.





Comments