IPINALIT NI JAMES KAY NADINE NA SI ISSA, AMINADONG BISEXUAL
- BULGAR
- Mar 23, 2023
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 23, 2023

Usap-usapan ngayon ang iba’t ibang haka-haka at opinyon ng mga netizens tungkol sa pag-hard launch umano ng “relationship” nina James Reid at Issa Pressman sa social media.
Nariyan na halos sumasabay sa international entertainment issue ng Justine Bieber-Hailey Bieber-Selena Gomez ang datingan nina James, Issa at Nadine.
Nang ma-check kasi ang ilang older posts ni Issa, na-discover na may photo ito with James nu'ng taong 2014 at animo’y fangirl, gaya ng narrative ng Hollywood couple na sina Justine at Hailey na nagsimula ang relationship bilang singer-fan.
Lalo itong umingay nang lumabas din ang ilang pictures na ipinost ni Nadine na ilang araw o buwan ay ginaya umano ni Issa Pressman. Talagang nagmistulang Justine Bieber-Hailey Bieber-Selena Gomez na ang isyu dahil kilala pa silang mga personalidad sa showbiz na halos gayahin ni Hailey si Selena mula sa mga photos nito, businesses at tattoos.
Ani nga ng ilang netizens, “Hume-Hailey-Bieber si atey, choz!” at “Ala-Hailey-Bieber pala 'to, eh! From stalker/fan to jowa.”
Ngunit marami rin ang naniniwalang pantakip lang umano ni James Reid sa negative publicities sa rebranding ni Liza Soberano ang pag-announce ng kanyang relationship with Issa.
Matatandaan kasi na bago pa man lumabas ang controversial alleged couple, eh, may ibang partner na girl si Issa.
Ganunpaman, nakakalimutan yata ng mga netizens na bisexual si Issa at hindi lesbian.
Sa panayam nga ng isang toothpaste brand last 2018, inamin ng kapatid ni Yassi Pressman na, "My family is quite small and we're only four in the family. I think it was just the way that I had to introduce myself to them, of like 'liking girls, liking guys.' That's me. That's who I am."
So, 'yun na!





Comments