Ipinalit kay Sarah, 'di raw seseryosohin… NETIZEN KAY BARBIE: PANG-ONE-NIGHT STAND KA LANG NI RICHARD
ni Julie Bonifacio @Winner | January 13, 2024

Ayaw tantanan si Barbie Imperial ng kanyang mga bashers pagkatapos matsismis kay Richard Gutierrez. Pati ang bagong hairstyle ni Barbie ay iniintriga rin ng mga Marites.
Knows naman na ng lahat na nagpaikli ng buhok si Barbie. At tila ine-enjoy nito ang intriga sa kanya kay Richard. Mas gumanda kasi si Barbie at dedma lang sa mga bashers niya.
May nagsasabi na naging kahawig na ni Barbie ang misis ni Richard na si Sarah Lahbati.
“Kahawig ni Sarah.”
Nagtatalu-talo tuloy sila kung deliberate ba ang pagbabagong-anyo ni Barbie para inisin daw si Sarah.
“Wanna be Sarah.”
“Ms. Barbie Imperial, ang cheap version ni Sarah! Kunwari pa 'di niya pina-follow si RG.
Eh, ano 'yung nakita namin na post ni @richardgutz na ni-like mo before? If I know in-unfollow mo lang si boy gutz nu'ng nabisto ang harutan n'yong dalawa. Kung 'di ka muna lumandi kay Richard, 'di ka sana nasasali sa issue nilang mag-asawa, pwere! Walang delicadeza na babae.”
“Mas maganda siya kay Sarah.”
Say naman ng isang netizen, may ibang rason si Barbie sa pagpapagupit niya ng buhok.
“Nagpaikli siya for her new role sa movie na isu-shoot sa Japan, not trying to look someone, 'wag po maging ignorant at magbigay ng kulay sa lahat ng kilos kung wala namang alam.”
Pero tsika ng ibang netizens, kahit ano pang gawin ni Barbie, nakatatak na ang pagkaka-link niya kay Richard.
“@msbarbieimperial pang-one-night stand ka lang at 'di GF-wife material! Pwee!”
Ay, hala! Ang harsh, ha!





Comments