Ipinalit kay JK, mas guwapo, level up… MAUREEN, IDINISPLEY NA ANG BAGONG LALAKI
- BULGAR
- Nov 14, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 14, 2022

May socmed post si Maureen Wroblewitz, ang ex-GF ni JK Labajo, na may kasamang guy.
Marami tuloy ang nagtatanong kung siya ba ang ipinalit ng former beauty queen sa ex-boyfriend na singer.
Sey ng mga netizens… "UPGRADE."
"Sana 'di siya saktan."
"Mukhang 'di naman nananakit si Mau, ah. Maayos nga ang breakup nila ni JK."
"Ang guwapo! Magaling talaga siyang pumili, lol, pero nalulungkot ako for JK."
"Grabe naman kung makalait ang ibang netizens kay JK."
Depensa ng faney ni JK, "FYI, hindi pinilit ni JK si Mau. Sinagot ni girl si Buwan (JK) dahil naramdaman (ni Mau) na mahal niya si girl."
Ang laki raw upgrade kay Mau ang bagong kasama kumpara kay JK.
"Side profile pa lang, pogi na ang new guy. Mataba ang mukha ni JK Labajo. Ayoko talaga sa lalaking mataba ang mukha."
Sarcastic comment naman ng isang follower nila, "Akala ko magpapahinga sa love life para maka-focus sa career."
'Yun kasi ang ibinigay na dahilan ng dalawa nang mag-break.





Comments