Ipinalit kay Andi… JAKE, IDINISPLEY NA SA NEW ZEALAND ANG BAGONG GF
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 8, 2023

May girlfriend nang ipinakita si Jake Ejercito sa kanyang Instagram post. Kasama niyang nagbakasyon sa New Zealand ang nasabing special girl na nagpapasaya sa kanya ngayon.
Ang pagbabakasyon sa New Zealand ay kasama sa bucket list ni Jake at nag-enjoy siya sa trekking at na-experience ang umakyat ng bundok. Three days bago narating ni Jake ang tuktok na kanyang inakyat.
Wala pang picture na magkasama si Ellie at ang GF ng kanyang Daddy Jake. But for sure, hindi naman pagseselosan ni Ellie ang nobya ng kanyang daddy. Hindi naman magbabago ang pagtingin at pag-aalaga sa kanya ni Jake kahit may GF na ito ngayon.





Comments