top of page

Ipinakilala sa mga kapwa negosyante… KYLINE, IPINALIT DAW NI SAM KAY RHIAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 21, 2026



TEKA NGA - KYLINE, IPINALIT DAW NI SAM KAY RHIAN_IG _itskylinealcantara & _whianwamos

Photo: IG _itskylinealcantara & _whianwamos



Recently may kumalat na balitang si Kyline Alcantara na raw ang bagong ‘apple of the eye’ ng businessman na si Sam Verzosa. Si Kyline na raw ang ipinalit ni SV kay Rhian Ramos. 


May nagsasabing spotted sina Sam at Kyline sa isang event kung saan ipinakilala ni SV ang aktres sa kapwa niya mga young businessmen.


Gayunman, hindi nakumpirma kung business meeting iyon o kinukuha lamang na endorser si Kyline.


Well, pasasaan ba at lalabas din sa social media kung anuman ang namamagitan ngayon kina Sam at Kyline.


Pero si Rhian Ramos, patuloy na itinatanggi na nagkaroon sila ng relasyon ni Wil

Dasovich. Very much single ang aktres ngayon at sinisikap na makapag-move on sa paghihiwalay nila ni Sam Verzosa.





TANGGAP na tanggap nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi si Ashley Ortega bilang girlfriend ng anak nilang si Mavy Legaspi. Napakabait daw ni Ashley at nakikita nilang mahal na mahal ang anak nila.


Hindi nga aakalain ng lahat na si Ashley na may pagkamataray at suplada ang image on screen ay pasadung-pasado sa mga magulang ni Mavy. Kasundo rin nito ang kakambal ni Mavy na si Cassy Legaspi.


Samantala, sa guesting nina Carmina at Zoren sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), natanong kung aware ba sila na nababanggit sa blind item na may power couple na hiwalay na pero itinatago lang sa publiko.


Itinanggi nina Carmina at Zoren na sila ang tinutukoy sa blind item. Solid pa rin daw ang kanilang marriage kahit na minsan ay may mga tampuhan din.





MASUWERTE ang baguhang Kapuso actor na si Anton Vinzon dahil bida na siya sa upcoming seryeng Kamao kung saan makakasama niya ang kanyang amang si Roi Vinzon.


Nasa cast din sina Amy Austria, Katrina Halili, Wendell Ramos, Neil Ryan Sese, at Bruce Roeland.


Last year ay kasama si Anton Vinzon sa Mga Batang Riles (MBR) na pinagbidahan nina Miguel Tanfelix at Kokoy de Santos at iba pang Kapuso stars. 

Kabado si Anton Vinzon sa kanyang pagbibida sa Kamao. Dito ay huhusgahan siya ng mga viewers.


Maraming fans ang kinilig sa tambalan nina Anton at Carmella Collado sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE2.0). Bukod kay Carmella, naging malapit din si Anton kina Krystal Mejes at Lella Ford.


Gusto rin ni Anton na makatrabaho at makasama ang mga PBB housemates sa susunod niyang mga projects.


Nahaharap ngayon si Anton Vinzon sa malaking challenge dahil kailangan niyang patunayan na kaya niyang magdala ng isang serye at hindi manatili sa anino ng kanyang amang si Roi Vinzon.





DALAGANG-DALAGA na si Clarissa (Angel Satsumi), ang gumaganap na anak nina Manilyn Reynes at Michael V. sa sitcom na Pepito Manaloto (PM).


Six years old lang siya noong nagsimula sa show at dito na rin niya ipinagdiwang ang kanyang 18th birthday.


Ang kuwento ng PM ay nag-adjust na rin ngayong dalaga na si Clarissa. Natural na may mga manliligaw na siya kaya panay ang payo at gabay nina Elsa (Manilyn) at Pepito (Michael V.) na piliin ni Clarissa ang karapat-dapat na lalaking mamahalin.


Pero hindi love life ang prayoridad ni Clarissa kundi ang kanyang pag-aaral.

Ang ganitong simpleng senaryo sa sitcom na PM ang nagugustuhan ng mga viewers dahil nakaka-relate sila. Ito ay kaganapan sa buhay ng pamilyang Pilipino.

Ang Pepito Manaloto ay napapanood tuwing Sabado ng gabi sa GMA-7.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page