top of page

Ipinagsigawan sa IG… HEART, PINAG-AAGAWAN NG IBA'T IBANG BANSA, TODO-DIIN NA PINAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 24, 2025



Image: Heart Evangelista - IG



May rason ang post ni Heart Evangelista sa Instagram (IG) na, “Filipina (lilinawin ko lang. I am Heart Evangelista and I am from the Philippines.” 


Kaya may paglilinaw sa kanyang nationality post si Heart dahil inaangkin siya ng ibang bansa. May nagsabing from Thailand siya at ang real name niya ay ‘Heart Evangelichanai’. May nagsabi naman daw na siya ay si ‘Heart Nguyen’ from Vietnam.


Kaya may paglilinaw si Heart para hindi malito ang mga IG followers niya sa ibang bansa at baka nga naman maniwala. 


Samantala, nagbibiruan ang mga fans ni Heart na pinag-aagawan daw siya, kaya ang mas tamang title niya ay “Darling of all Nations”.


Para mas maniwala pang Filipina siya, ang photo na ginamit ni Heart sa kanyang post ay naka-white Filipiniana gown siya na gawa ni Michael Leyva na lalong nagpalutang sa black hair niya at sa kagandahan niya.


Samantala, sa August 2, 2025 na ang GMA Gala at isa sa mga inaabangan ay ang gown na isusuot ni Heart. Nabanggit nito sa isang interview na 5 months ginawa ang kanyang gown na work of art, kaya marami na ang excited na makita siyang suot ito. Malalaman din kung sino ang sikat na foreign designer behind her gown.


Nagpadala ng lumpia sa b-day, Bea…

MADIR NI DOMINIC, BOTO KAY SUE


ISA sa mga pinasalamatan ni Sue Ramirez sa joint birthday celebration nila ng jowa niyang si Dominic Roque ay ang mom ng BF dahil sa ipinadalang lumpiang togue. 

Sey ni Sue, “The best lumpiang togue from tita @lenaroque16,” na naging dahilan para tuksuhin siya ng mga followers niya sa Instagram (IG).


Ibig daw sabihin, boto sa kanya ang mom ni Dominic at welcome siya sa pamilya ng nobyo. Lalong kinilig ang DominSue fans at mas tumindi ang pagwi-wish nila na magpakasal na ang dalawa and start a family.


Nakasulat din sa IG ni Sue na first birthday together nila ni Dominic at nag-celebrate sila ng kanilang birthday kasama ang family ng nobyo. 


Kaya swak ang isinulat nitong “Blessed birthday. Grateful. I love life.”

Well, boto rin kaya ang ina ni Sue Ramirez kay Dominic Roque? 


Kailangan ang isa't isa… ASHLEY AT SHUVEE, MAGKASAMA SA CONDO


HINDI pala pelikula ang gagawin nina Ashley Ortega at Shuvee Etrata kasama si Vice Ganda kaya sila nagkita-kita. Si Ashley na ang nagsabi na vlog ang gagawin nilang tatlo, kaya pumunta si Vice sa condo nila ni Shuvee.


Masaya at excited na ibinalita ni Ashley ang tungkol dito at pinaaabangan sa mga fans nila ni Shuvee. Tama ang sinabi ni Ashley na condo nila ni Shuvee dahil housemates pala ang dalawa at matagal na. Lumipat sila ng bagong condo, mas malaki at may video sa kanilang paglipat at pagdating ng mga bago nilang gamit.


Anyway, pansin ng mga fans na tanggap na tanggap ni Cassy Legaspi si Ashley bilang girlfriend ng twin niyang si Mavy Legaspi. 


Sa latest reel post ni Ashley, nag-comment si Cassy ng “My princess.” 


May comment naman ang fan na, “She is a very beautiful woman inside and outside. Mavy is very lucky because this girl has a good heart and is a good person.”


Para sa mga fans, bagay maging housemates sina Ashley at Shuvee dahil kailangan nila ang isa’t isa. Mag-isa lang sa Manila si Shuvee dahil nasa Cebu ang family niya at mag-isa rin lang si Ashley dahil hindi pa sila masyadong okey ng mom niya. Puwede raw mag-alalayan ang dalawa lalo na kung pareho silang nalulungkot sa kani-kanilang pamilya.


Tanong naman ng mga fans, dahil housemates ang dalawa, ibig daw sabihin, nakikita ni Mavy si Shuvee kapag dinadalaw niya si Ashley. Ganu’n din ang nangyayari kapag dinadalaw naman si Shuvee ng suitor niyang si Anthony Constantino.


Ang request nga ng mga fans, mag-double date ang dalawang pairs para mas masaya at isama nila sa kanilang vlog. 


Isa pang request, pagsamahin daw sana ng GMA sina Ashley Ortega at Shuvee Etrata sa rom-com o sitcom at sure silang papatok sa mga televiewers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page