Ipinagsigawan pa sa socmed… MISIS NI PATRICK, PROUD NA PROUD SA KANYA DAHIL GOOD MAN DAW

ni Nitz Miralles @Bida | October 1, 2026

Photo: IG _nikkamgarcia
Hindi maganda ang dating sa mga netizens ng pagre-repost ni Patrick Garcia ng post ng wife niyang si Nikka Garcia patungkol sa kanya.
Heto ang post ng misis ng aktor:
“I won in this life. I fell in love with a good man and I’ll never stop being grateful for that.
“A self-made man. A hardworking man. A gentle man and safe man. A man who takes care of me in all the ways that matter.”
Sa baba, nakasulat ang “lavyew (love you) @onlypatrickgarcia,” at sinundan ng “Proud of you, Pat.”
Ang naalala namin, when we first checked Patrick’s Instagram (IG) account, may post si Patrick na magkayakap sila ni Nikka at sa mga comments, marami ang nagparating ng suporta sa kanila. This was after ng interview ni Ogie Diaz kay Patrick kung saan may mga rebelasyon ang aktor tungkol sa pagbubuntis noon ni Jennylyn Mercado at sa relasyon niya sa anak nilang si Alex Jazz.
Napansin namin na limitado ang puwedeng mag-comment sa post na ‘yun.
The next time we visited Patrick’s IG, deleted na ang nasabing post. Hindi na tuloy mabasa ang mga comments na pabor at hindi pabor sa kanyang mga pahayag sa nasabing interview.
Parang tama ang mga netizens na sa halip na makatulong, lalo pang lumabo ang sitwasyon nina Patrick at Jennylyn.
Nagsalita na rin si Dennis Trillo at kapag sinagot ni Patrick ang pahayag ng aktor at ang statement ng manager ni Jenn na si Becky Aguila, hahaba nang hahaba ang isyung ito.
Proud na 60-anyos na, super healthy pa…
AGOT, ‘DI NA KUMAKAIN NG PORK AT CHICKEN
AGOT Isidro is embracing her turning 60 years old. Masaya nitong ibinalita na may senior citizen card na siya at nagagamit na niya. Bunot na lang daw siya nang bunot, pero nalamang may ibang establishments na hindi tanggap ang card.
“Pinaghandaan ko ang pag-turn ko ng 60 (years old). I exercise, nagwe-weight lifting ako, ‘di ‘yung Hidilyn Diaz level. I eat healthy and for a long time, vegetarian ako. Now, I’m a pescetarian, I only eat fish. ‘Di na talaga ako kumakain ng meat, ‘di ko nami-miss ang pork. Ang nami-miss ko ay ang lasa ng fried chicken. ‘Pag may friend ako na kumakain ng fried chicken, sabi ko, alam ko na ang lasa n’yan, masarap ‘yan,” kuwento ni Agot.
Anyway, last year and this year ang most prolific time sa career ni Agot. Ang dami niyang ginawang films at marami pa ang darating na offers. Dahil ito sa mahusay siyang aktres, professional at hindi partikular sa talent fee (TF).
“Basta may magandang offer at maganda ang karakter, game tayo r’yan. Kahit two days o nine days ang shooting, tatanggapin ko. Gusto ko lang magtrabaho, gumawa ng pelikula at kumanta. I just want to sing and I’m back to singing,” ani Agot.
Sina Piolo Pascual at Aga Muhlach ang nabanggit ni Agot na mga aktor na gusto niyang makasama sa pelikula. Okey din sa kanya si Albert Martinez at hindi ito mahirap dahil parehong si Shirley Kuan ang kanilang manager.
As for singing, may plano for another concert after her successful two-night concert. Balak din na dalhin sa ibang bansa ang kanyang A.I. concert at ang sagot ni Agot, “Game tayo r’yan.”
PORMAL nang ipinakilala ang mga bibida sa Philippine adaptation ng hit Thai series na Fight For My Way (FFMW).
The Viva-produced series is headlined by Ashtine Olviga and David Licauco, with Aubrey Caraan and McCoy de Leon. This is directed by Crisanto Aquino.
The series will start taping soon.
The project is David’s first project outside GMA at sabi nito, he is grateful to be considered sa role ni Hanz. Nagulat daw siya sa offer ng Viva at nangakong he will do his best.
“Nag-acting workshop kami ng cast in preparation. Pinag-aaralan ko rin ang character ko para maiba sa ginampanan kong character sa iba kong project,” sabi ni David.
First time ni David makatrabaho ang kanyang mga co-stars at wala siyang naging problema.
“Mababait sila and very welcoming. I’m looking forward ‘pag nagsimula na kaming mag-taping,” dagdag ni David.
Nagpasalamat din si Ashtine sa bagong project. Pinag-aralan din niya ang karakter ni Aira at binago ang hairstyle para lumapit sa gagampanang karakter.
May bangs ang aktres ngayon dahil meron ang karakter niya sa FFMW. Kung si David, mabilis nakasundo ang co-star, ganoon din si Ashtine. Matagal na niyang friend si Aubrey, kaya sina McCoy at David na lang ang kinilala niya.
“Tahimik si David, pero makulit din at nakikipagkuwentuhan. Maganda na may bago akong katrabaho at kaibigan,” ayon pa kay Ashtine.





Comments