Ipinagsigawan… ARJO, SURE NA SURE NANG SI MAINE ANG GUSTONG MAKASAMA FOREVER
ni Nitz Miralles - @Bida | March 5, 2022

Very sweet ang message ni Arjo Atayde sa 27th birthday ng girlfriend niyang si Maine Mendoza noong March 3.
Sabi ni Arjo, “Mahal na mahal kita... looking forward to celebrating all your birthdays with you. Happy, Happy Birthday, Baba.”
Sagot ni Maine, “Thank you!!! Love youuuu.”
Sa Instagram din ni Arjo, binati ni Sylvia Sanchez ang future daughter-in-law niya ng “Happy Birthday @mainedcm. Stay happy and in love.”
O, 'di ba, may pahiwatig na si Arjo sa kanyang birthday message na forever na ang relasyon nila ni Maine dahil paano nila ise-celebrate ang lahat ng birthday ng GF kung hindi sila ang magkakatuluyan?
Nag-dinner ang magdyowa noong birthday ni Maine, hindi lang sinabi kung saan.
Makikita sa post ni Maine na may plate ng steak sa harap niya at may hawak siyang white wine.
Anyway, gaya ng mga past birthdays ni Maine, niregaluhan na naman siya ng maraming cakes ng kanyang mga fans na sa sobrang dami, hindi kayang ubusin ng pamilya nito.





Comments