top of page

Ipinagpalit na sa iba, datung nalimas din… P100 M NI AI AI SA BANGKO, NA-WITHDRAW NG MISTER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 27, 2025
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 26, 2025



Photo: Ai Ai - Instagram


Hindi lang pala ang pagkakaroon ng bagong babae ni Gerald Sibayan ang labis na ipinaghihimutok ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas. Ang malaking perang pinaghirapang kitain at inipon sa bangko ay bigla raw naglaho na hindi niya namalayan.  


Ayon sa ilang reliable source, natuklasan ni Ai Ai na halos nasaid na ang pera niya sa bangko na aabot sa P100 million. Joint account daw nila ito ni Gerald Sibayan at hindi niya alam na nawi-withdraw na pala ito ng dating mister.


Sa ngayon, wala pang pahayag ang Comedy Queen tungkol sa nawawala niyang pera sa bangko at hindi pa rin sila nagkakausap ng dati niyang mister.


Mabigat para kay Ai Ai ang ginawang pagtataksil at panloloko sa kanya ni Gerald, na matagal niyang minahal at pinagkatiwalaan. At hindi na ito nag-effort makipag-usap nang maayos sa kanya, dahil sa Facebook Messenger lang ito nakipag-break. 


Ang matindi pa, nakikitang pumupunta si Gerald sa mga resto malapit sa dati nilang tirahan ni Ai Ai delas Alas — at kasama ang bago niyang babae!


WILLIE, ‘DI NANGANGAMPANYA, PASOK SA TOP 12 SENATORIABLES





Naloka naman kami sa ilang komento ng mga netizens na porke pumasok sa Top 12 sa survey ng senatoriables si Willie Revillame, naglitanya na tungkol sa mataas na presyo ng bilihin at sa nagaganap na inflation ngayon. Ano ang koneksiyon noon kay Revillame?


Survey lang naman ‘yun at walang kinalaman ang Wowowin host sa resulta ng mga surveys na isinasagawa. Hindi naman kasalanan ni Willie kung pumasok ang pangalan niya sa Top 12 senatoriables.  


In fact, hindi nga siya gaanong nag-e-effort mangampanya o mag-ikot sa mga probinsiya. Ang tanging exposure lang ni Willie ay sa programa niyang Wowowin na napapanood araw-araw sa TV5.


Kaarawan ngayon ni Willie Revillame. At tulad ng dati, mga malalapit na kaibigan at pamilya lang ang kanyang kasama sa pagdiriwang ng kanyang 64th birthday. Wala ring materyal na bagay ang hiningi pa ni Willie para sa kanyang kaarawan. Halos nasa kanya na lahat ng kanyang pinangarap—tulad ng malaking bahay, mga luxury cars, yate, chopper, private resort, rest house sa Tagaytay, mga investments, at milyones na pera sa bangko. 


Good health, peace of mind, at pagmamahal ng kanyang pamilya ang tanging kahilingan niya ngayon.


Career, tagilid… 

KYLINE, KAY KOBE NA UMIIKOT ANG MUNDO


NAG-AALALA ang mga fans ni Kyline Alcantara dahil sobra raw itong in love sa nobyong basketball player na si Kobe Paras. Lagi silang magkasama at halos ayaw nang maghiwalay.


Nasa Los Angeles, California, USA ngayon sina Kyline at Kobe upang manood ng NBA Games. Dadalawin na rin ni Kobe ang kanyang mama na si Jackie Forster.  

Concerned lang ang mga fans ni Kyline na baka dahil kay Kobe ay mapabayaan niya ang kanyang career. Buhos na buhos kasi ang panahon at atensiyon ni Kyline sa nobyo niya.  


Dati-rati, masigasig si Kyline sa kanyang career. Pero nang ma-in love kay Kobe ay sa basketbolista na umiikot ang kanyang mundo. Sayang naman kung maunahan pa si Kyline ng mga baguhang artista sa magagandang projects ng GMA Network.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page