Ipinagkakalat daw na bad siya… RESBAK NI POKWANG SA EX AT BAGONG GF: MGA T*NGA!
- BULGAR
- Feb 24, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 24, 2023

Pinag-uusapan ang nag-viral na cryptic post ni Pokwang na “My ex is somewhere telling his new girlfriend how bad I was and she’s smiling thinking she’s made it in life. Two idiots.”
Naka-tag ang anak na si Malia O’Brian sa viral post niyang ito at ang sabi, “'Di ba, @malia_obrian Hahahaha!”
Hindi na nga magkakasundo sina Pokwang at Lee O'Brian kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon sa kanilang dalawa. Hindi ba nagugulat si Lee na halos lahat ng kanyang gawin at sabihin laban kay Pokwang ay nakararating sa nanay ng anak niya? Ano ‘yun, may spy si Pokwang sa circle of friends ni Lee na Team Pokwang?
Anyway, may post pa si Pokwang na nang masaktan siya at natauhan, mas ginusto niyang bumangon at dahil she was in pain, ibinuhos ang oras sa pagtulong, gaya ng mga concert for a cause na patuloy niyang gagawin.
Also, ang ganda ng Casa Malia nina Pokwang na nasa Camaya Coast sa Mariveles, Bataan. May swimming pool ito, na nang may nag-comment na malaki ang pool, ang sagot ni Pokwang, “So? maliit or malaking pool, ang mahalaga, pinagpaguran ko 'yan at 'di ko ninakaw (ang) pagpapagawa n'yan para sa mga anak ko!”





Comments