top of page

Ipinagbabawal ang brutal na pagkatay sa karne ng baboy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 26, 2021
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 26, 2021



Dear Chief Acosta,

Sa probinsiya namin ay mayroong slaughter house na hindi maayos at medyo brutal ang ginagamit na proseso sa pagkatay ng kanilang mga baboy. May nalabag ba silang batas? – Francisca


Dear Francisca,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 48 (b) ng Republic Act No. 9296, o mas kilala sa tawag na The Meat Inspection Code of the Philippines kung saan nakasaad na:


Section 48. Prohibited Acts. - No person, firm or corporation shall:


(a) x x x;


(b) slaughter or handle in connection with slaughter, any food animal in a manner not considered humane;” (Binigyang-diin)


Malinaw na ipinagbabawal ang paggamit ng malupit o brutal na pamamaraan sa pagkatay o pag-slaughter sa ating mga kinakaing hayop o food animal. Samakatwid, maaaring nalabag ng nasabing slaughter house sa inyong probinsiya ang nasabing batas, at maaaring mapanagot ang may-ari nito sa ilalim ng nabanggit na batas.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page