top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ipinag-produce ng movie… MELAI, PURING-PURI ANG MGA KOREANO NA ORGANISADO NA, MARERESPETO PA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2023
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | November 15, 2023




Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Melai Cantiveros-Francisco na sinugalan siya ng Korean producers para igawa ng pelikula, ang Ma’am Chief: Shakedown in Seoul na ipapalabas na ngayong Nobyembre 15 sa mga sinehan directed by Kring Kim.


At dahil dito ay naikumpara ni Melai ang Korean productions sa Filipino productions dahil sobrang organized at systematic daw ng mga Koreano at nabanggit niya ito sa panayam niya kay Ogie Diaz sa YouTube Channel nitong Ogie Diaz Inspires.


Kuwento ni Melai sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz para sa YouTube channel nito, “Ang trabaho ru’n, eight hours, nine and 10 hours, matagal na ‘yun. Hindi ka na puwedeng lumagpas du'n. Kapag lumagpas ka ru'n, kailangan mong kausapin lahat. Kahit isa lang hindi pumayag, utility, hindi puwedeng dumiretso ‘yan, kasi inirerespeto nila ang karapatan ng bawat isa."


Sina Vernon Go at Dan Kim ng PULP Studios ang sumugal kay Melai sa pelikula dahil kay Inang Reyna na asawa nito, na paborito ang TV host-actress.


“Grabe sila ka-dedicated sa work nila at saka walang tent-tent du’n kasi sa 8 hours na shooting, nandu’n na ‘yung lunch, so nakatayo ka lang talaga kasi alam mo na ‘yung gagawin, eh, na-meeting n'yo na ‘yung gagawin, so dire-diretso.”


At take note, may special participation sa Ma’am Chief: Shakedown in Korea ang sikat na Korean actors na sina Lee Seung Gi at Do Ji-han na hindi niya na-feel na nagpa-star.


“‘Yung mga kasama namin na Korean stars, sina Lee Seung-gi at Do Ji-han, nakaupo lang ‘yun, walang tent-tent. Nakaabang lang diyan. Sabi ko nga, mabilis pala ang work kapag ganito.”


Ang AD (assistant director) ng Korean drama series na Crash Landing On You ay kasama rin sa pelikula ni Melai.


Kuwento ng aktres, “Umulan kasi, eh, so open tent, sumilong lahat. Sabi ko, ‘Sarah, sit. Sabi niya,


‘No, we will stand because our boss is standing.’ Kasi ‘yung DOP (director of photography) nila is standing. Ganu’n sila sa respect, na-amaze talaga ako.”


Policewoman ang karakter ni Melai bilang si SPO4 Crisselda Kaptan at certified K-Pop fan. Kaya naman, gumawa siya ng paraan nang malamang may misyon ang kasamahan niyang ginagampanan ni Karylle bilang tenyente sa Korea para hulihin ang wanted sa bansa at nagpanggap siyang tourist guide sa Korea ng mga turistang Pinoy na sina Jennica Garcia, Bernadette Allyson-Estrada, Alora Sasam at iba pa. Kaya naman na-enjoy nila nang husto ang shooting dahil maganda ang panahon with South Korean stars Lee Suya at Park Jiyong.



Anyway, ginanap ang premiere night ng Ma’am Chief: Shakedown in Seoul sa SM Megamall Cinema 8 nitong Sabado at ang tarush ni Melai dahil dalawa ang marshalls niya na laging nakasunod kahit saan siya magpunta at sobrang mababait at hindi naninita o nambabalya ng mga gustong magpa-picture sa komedyana na malayo sa mga marshalls ng mga artista rito sa bansa.


Maging ang buong staff ng PULP Studios ay magagalang lahat at mag-e-excuse sa taga-media na nagko-cover kapag dadaan sila.

Say nga ni Melai, “Mula Korea ‘yan, ipinadala ni Inang Reyna (ang tawag niya sa executive producer nilang si Happee Sy-Go) para maging bodyguards ko. Eh, mas mukha naman akong bodyguard. Nakakahiya! Sinusundan nila ako kahit saan ako magpunta.


"Grabe ang mga bodyguards ko, ang guguwapo. First time kong magka- bodyguards. Sabi ko, 'Ano bang nangyari? Bakit kailangang bantayan ang mukha ko? Eh, mas mukha pa nga akong tanod sa kanila. Hahahaha!”


Sabi naman ni Ms. Happee ay gustung-gusto raw talaga niya si Melai kaya naman superstar level ang ibinibigay niyang trato sa aktres.


“I really love her bubbly character. Kasi that’s what Ma’am Chief is all about, eh. You have to know when to work hard and party harder.


“We are so blessed and proud to have her with us. She basically represented Ma’am Chief and she’s the glue that really kept the entire cast together, that makes them all happy.


“The entire shoot namin, walang away, walang drama! It was all good vibes. Wala kaming delay, dahil laging on time ang mga artista.


“Mahirap in the beginning, but because of everyone trying to make a difference in this industry, nagtulung-tulong lahat. So, sobrang laugh trip na lang!

“Basically it was all… kasi po PULP Studios has been in the industry for a while na, eh, especially in K-Pop. So, we use friendship, hahahaha! Tulung-tulong na lang.”


Panay naman ang pasalamat ni Melai, "Ako talaga, sinasabi ko, si Lord talaga ‘to, kasi hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Inang Reyna (Happee), habambuhay ka po naming ipagdarasal, ang buhay mo at ng pamilya mo.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page