top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ipapalabas pa rin sa 41 iba't ibang bansa… COCO, TULOY ANG KITA KAHIT BABU NA ANG SERYE

BULGAR
Jul 1, 2021
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 01, 2021




Nabasa namin ang ipinost ni Michael De Mesa sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang picture ni Coco Martin sa poster at ang nakalagay dito ay: "FPJ's Ang Probinsyano, tuloy ang laban, will air in 41 countries in Africa starting this July."


'Di ba't may balitang tatapusin na ang longest-running serye ni Coco Martin sa Kapamilya Network?


Pero ang bongga, ha? Kung totoo mang magwawakas na ang serye ni Coco, hindi pa rin naman pala siya maghihirap tulad ng kanyang emote noon nang ipasara ang ABS-CBN.

Eh, kasi, bilang producer na rin ng kanyang serye, tiyak na may kita pa rin si Coco kapag ipinalabas sa iba't ibang bansa ang kanyang FPJ's Ang Probinsyano.


O, devah, mapapa-"sana all" ka na lang?!


Congrats to the whole team of FPJ's Ang Probinsyano kung saan kasama sa cast si Michael de Mesa kaya ayan, proud din siyempre siya sa pag-a-announce.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page