top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Oktubre 9, 2026 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
9 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 9, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 9, 2026 (Biyernes): Lumaban ka para manalo ka. Kaya ‘wag mong atrasan ang anumang hamon ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito, at hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-17-27-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang gusto mo. Hindi magtatagal, mapapasaiyo rin ang gusto mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-13-24-38-40-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Mabilis masira ang sobrang paggamit ng isang bagay. Kaya ikaw ay pinaaalalahanang malapit ka nang sumobra sa pagod. Mas makabubuting mag-ingat upang hindi magkasakit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-12-14-25-33-41.


CANCER (June 21-July 22) - Tatapang ka ngayon, pero ang payo: huwag mong gamitin ang tapang mo sa pakikipag-away. Mas maganda kung ang tapang ay mapunta sa pagpapaunlad ng buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-15-23-27-35-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka mabibigo kung kikilos ka! Kapag hindi ka kumilos, mapapabilang ka sa mga talunan na hindi na nakalaban pa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-13-20-34-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dumikit ka sa mga malalakas ang loob upang lumakas din ang iyong loob. Lakas ng loob ang isa sa mga susi ng tagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-17-26-36-41-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Inspirasyon ang hatid mo sa isang taong pagod na pagod na sa buhay. Dahil sa iyo, ipagpapatuloy niyang muli ang kanyang malalaking pangarap. Bilang ganti, aalayan ka naman niya ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-18-21-23-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Papaganda na naman nang papaganda ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-5-16-22-27-30-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang mga taong kung anu-ano ang sinasabi sa iyo. Ituring mo lang silang mga asong tahol nang tahol. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-20-25-35-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Galing sa maliit ang lumalaki. Kaya magandang pagkakataon para sa iyo ang pagkakaroon ng maliit na puhunan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-12-24-30-34-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag nagalit ka, talo ka! Kaya mas mabuting huwag mong patulan ang nagpapagalit sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-13-21-28-31-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipakita mo sa langit na buo ang loob mo. Magugulat ka dahil malalaki at magagandang kapalaran ang ihuhulog sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-15-27-29-39-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page