top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En

Horoscope | Oktubre 8, 2026 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
11 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 8, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 8, 2026 (Huwebes): Hindi ka mauubusan ng suwerte. Sa katunayan, agad na susuko sa iyo ang mga karibal mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mali ang inaakala mong hindi ka mapalad ngayon. Wala sa malayo ang suwerte mo. Kaya ‘wag mo na itong hanapin sa malayo, bagkus luminga-linga ka lang d’yan sa paligid mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-10-18-23-30-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ilabas at bigyan mo ng bagong kinang ang luma mong alahas. Gamitin at isuot mo ito dahil sa araw na ito at sa ilang araw pang darating, ito mismo ang iyong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-19-23-25-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang unang maisip mo, iyon ang gawin mo. Makakaasa ka na ang mga suwerte ay dadapo sa iyo. Hindi mo kailangan ngayon ang matagalang pag-aaral sa anumang uri ng sitwasyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-13-27-30-36-42.


CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang may bait sa kilos at pagsasalita, siya ang dadatnan ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-13-16-28-38-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tumayo ka sa tabi ng isang taong marangal. Ito ang pampasuwerte mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-15-17-26-33-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi makakaganda sa iyo ang kawalang-kilos. Ang panghatak mo ng magandang kapalaran ay ang pagkilos ng iyong katawan o hindi pananatili sa iisang puwesto o sa iisang posisyon lamang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-18-21-29-32-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang pinakabago mong damit dahil ito ang magsisilbi mong pampasuwerte, na nagsasabing ang mga bagong magagandang kapalaran ay magdadagsaan na sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-13-27-34-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahirap paniwalaan na ang iyong pampabuwenas ay ang metal na bagay na iyong iniingatan. Ang kailangan lang ay simpleng hawakan mo ito nang medyo may katagalan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-14-22-38-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumingin ka sa langit. Oo, sa pinakamataas na kalangitan. Tumitig ka lang at sabihin mo ang iyong kagustuhan. Makakaasa ka na matutupad agad ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-17-29-31-36-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ituloy mo lang ang iyong pagsusumikap. Nakikita ng nasa Itaas ang iyong mga lantaran at lihim na ginagawa. Kaya ngayon, nagpasya na ang langit na gantimpalaan ka ng sobrang laking halaga na sapat sa iyong retirement age. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-12-23-26-32-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magparaya ka. Huwag kang magalit kapag nalamangan o naisahan ka, dahil ito ang kondisyon para mapasaiyo ang malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-10-17-25-38-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maniwala ka sa sarili mo, at huwag sa ibang tao. Kapag malaki ang bilib mo sa iyong kakayahan, ang naglalakihang magagandang kapalaran ay agad na guguhit sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-19-27-31-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page