top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ipapakilala rin daw soon… BARBIE, MAY BAGO NANG 'BABY' AFTER DIEGO

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 24, 2022
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 24, 2022




Bentang-benta sa mga netizens ang naging sagutan kamakailan ng ex-sweethearts na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga nang mag-post ang tisay na aktres sa Instagram ng picture niya with red hair.


Nag-comment kasi si Diego ng "Poison Ivy?" na sinagot naman ni Barbie ng "@diegoloyzaga Ako nga pala 'yung sinayang mo, hahahahahahaha!"


Nag-comment uli si Diego ng "R u suuuuuuure?" (with thinking face emoji).


Feeling tuloy ng mga netizens, mukhang nagiging okay na uli ang dalawa at nangangamoy-balikan.


Pero may nakapagtsika naman sa amin na hindi pa totally nakaka-move on si Barbie dahil minahal nito nang todo si Diego.


Kaya raw nu'ng naghiwalay ang dalawa, si Barbie ang parang 'iniwan' sa ere ang pakiramdam.


Sa totoo lang, medyo nag-lie-low si Barbie at hindi napagkikita sa mga gimikan na dati nilang pinupuntahan ni Diego Loyzaga at mga barkada. May mga nagsabi na panay daw ang mukmok ng dalaga kaya medyo nadagdagan ang timbang at medyo umumbok ang puson.


Nagkahaka-haka tuloy ang mga “Marites” sa showbiz na baka buntis si Barbie.


Pero lately, nang may makakita sa aktres sa isang beach resort sa Batangas kung saan naka-orange bikini siya, super sexy naman daw si Barbie at 'di mukhang buntis.

Itinanggi rin daw nito na preggy siya.


“Naku po, hindi po 'yan totoo. Busy lang po ako sa aking vlog. Ngayon nga po ay nandito ako upang sorpresahin kayo sa aking baby na pinagkakaabalahan ko ngayon," sabi nito sa aming source na nakausap niya kamakailan.


Pero pambibitin daw ni Barbie na mukhang may ibubulgar soon, "Pero hindi ko muna sasabihin. Basta ito ay pang-forever na. WALA ITONG IWANAN."


Ang promise raw niya ay sa susunod na linggo, ipapakilala niya sa kanyang mga followers kung sino ang bago niyang 'baby'.


Basta ipinagdiinan niya na dahil dito, umaasa siya na WALANG IWANAN.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page