top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ipantutulong daw sa mga biktima ni Ulysses… VICE, NAKALIKOM NG P800 K SA MGA FANS NA NAG-DONATE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 19, 2020
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | November 19, 2020




Ibinahagi ni Vice Ganda sa kanyang social media account ang pangangalap nito ng donasyon para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses nitong Martes (November 17).


Nagpasalamat ang It’s Showtime host, maging ang kanyang Team Vice, sa mga nagpaabot ng kanilang pinansiyal na tulong.


Dubbed as the FUNDkabogable Donation Drive, nakakolekta na sila ng mahigit P800 K in cash.


"TRANSPARENCY REPORT: As of 8:02 PM, November 17, 2020, nakalikom na ng PHP 875,775.59 ang FUNDkabogable Donation Drive," ayon pa sa post ng Team Vice.


Pahabol pa ng grupo nitong Martes, "Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga nag-donate! Malaking tulong po ito para sa ating mga kababayan na nasalanta ng Bagyong Ulysses."

Inumpisahan ni Vice ang donation drive nitong Saturday, November 14, pagkatapos manalasa sa Catanduanes, Bicol area at Cagayan ang Typhoon Ulysses na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Central Luzon, kasama ang Metro Manila (NCR).


"Samahan n'yo 'kong makalikom ng pantawid-krisis para sa ating mga kababayan. Anumang halaga ay buong-puso kong pasasalamatan. Ngayon pa lang, MARAMING-MARAMING SALAMAT!!" Vice posted on November 14.


Nasaksihan mismo ni Vice ang delubyong dulot ng Bagyong Ulysses noong mag-landfall ito sa Balesin Island kung saan nagbabakasyon sina Vice at Ion Perez at ilang kasamahan sa It's Showtime. Nag-panic ang Team Vice nu'ng mag-umpisang manalasa ang bagyo at liparin ang ilang bubong ng kalapit nilang villa.


“Sadyang nakakatakot ang karanasan naming ito noong mga oras na ‘yun dahil ang mata ng bagyo ay nasa lugar na kinaroroonan namin,” pahayag ni Vice sa kanyang latest YouTube vlog titled Bangis ni Ulysses.


“Ngunit nagpapasalamat kami sa Panginoon dahil lumipas ang ulan at nanatili kaming ligtas hanggang makabalik sa Maynila. Nakikiramay kami sa lahat ng mga kababayan natin na lubhang naapektuhan ng bagyong ito,” pahabol pa ng Unkabogable Star.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page