top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ipagpapatuloy natin ang laban tungo sa mas magandang kinabukasan para sa ating mga anak!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 19, 2021
3 min read

ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo |November 19, 2021



Sama-sama tayong magtulungan para sa mas matiwasay na Pasko para sa ating lahat.


Sa ngayon, nakatutuwang ibalita na patuloy ang pagbaba ng bilang ng COVID cases sa ating bansa at dahan-dahang lumuluwag ang ating mga patakaran upang muling makabangon ang ating ekonomiya.


Gayunman, sumunod pa rin tayo sa mga patakaran upang matiyak ang ating tagumpay laban sa COVID. Ang katapusan ng pandemyang ‘to ay nakasalalay pa rin sa disiplina at kooperasyon sa isa’t isa.


Nananawagan din tayong muli kay Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng dagdag-ayuda o insentibo na panghikayat sa 4Ps members na magpabakuna na sa lalong madaling panahon.


Kahit P500 dagdag man lang na ayuda sa mga magpabakunang 4Ps households ay malaking bagay na para maenganyo sila at maitawid sa hirap.


Bagama’t patapos na ang termino ni Pangulong Duterte, hindi tayo titigil magserbisyo hanggang maiahon ang bansa mula sa hirap na dulot ng pandemya. At kung papalarin man sa ating laban sa pagka-Pangulo sa susunod na halalan, makakaasa kayong sama-sama pa rin tayong lalaban upang maipagpatuloy ang mga magagandang pagbabago na nasimulan ng administrasyong ito.


Si Pangulong Duterte na marahil ang pinakamagaling na pangulo na meron ang Pilipinas.


Malaking trabaho ang gagampanan ng susunod na Pangulo. Hindi natin naisip kailanman na tatakbo ako sa pagka-Pangulo. Pero andito na tayo at ipinapaubaya ko na sa Diyos at sa sambayanang Pilipino kung anuman ang ating magiging tadhana.


Sipag, tapat, at walang tigil na serbisyo ang puhunan natin. Walang oras o minuto ang masasayang. Gagawin natin ang lahat makapag-abot lang ng serbisyo.


Tinanggap natin ang hamon dahil ayaw nating masayang ang mga pinaghirapan sa nakaraang halos anim na taon. Maganda na sana ang takbo ng ating bansa kung hindi lang tayo tinamaan ng pandemya. Gayunman, layunin nating walang maiwan sa ating muling pagbangon upang makabenepisyo ang lahat sa magagandang nagawa ng gobyerno tungo sa mas maginhawang buhay para sa lahat.


Bagama’t palapit na ang eleksiyon, ang atensiyon natin ay hindi kailanman mawawala sa pagseserbisyo at pagtulong sa kapwa tao. Mula Nobyembre 13 hanggang Nobyembre 16, umikot tayo sa buong bansa upang sumaklolo sa ating mga kababayan na nangangailangan.


Sa Luzon, nag-abot ang ating opisina ng tulong sa higit 1,000 mahihirap sa Lucban, Quezon; 3,000 sa Labrador, Pangasinan; 3,000 senior citizens sa San Miguel at 20 katao sa Norzagaray, Bulacan; higit 3,000 indigents sa Cavite City, Noveleta, Rosario at Kawit sa Cavite; 213 na mga nangangailangang residente sa Mandaluyong City; at 1,662 typhoon victims sa Rodriguez, Rizal.


Sa Visayas, pumunta rin ang ating opisina sa Capiz upang tulungan ang ating mga kababayan doon. Umabot ng higit 18,000 na residente ang nabigyan ng tulong mula sa Cuartero, Dumalag,


Sapi-an, Ivisan, Pontevedra, President Roxas, Sigma, Dao, Mambusao at Panitan. Higit 6,000 naman na mga benepisaryo sa Sevilla, Bilar, at Sierra Bullones sa Bohol ang ating inayudahan.


Samantala, 6,267 benepisaryo naman ang ating tinulungan sa Matuiguinao, San Jose de Bauan, Santa Margarita, Pangsanghan, Tarangnan, at Gandara sa Western Samar.


Sa Mindanao naman, nag-abot tayo ng tulong sa libu-libong residente sa Davao City mula sa iba’t ibang barangay, at 1,810 indibidwal sa Burgos, Pilar at Sta. Monica sa Surigao del Norte.


Personal na inilunsad din natin ang ika-149 Malasakit Center sa San Lorenzo Ruiz General Hospital sa Malabon City kung saan tayo nag-abot ng tulong sa 324 na frontliners at 26 na indigents na mga pasyente.


Kilala ang inyong lingkod bilang Mr. Malasakit — madaling lapitan, mapagkumbaba at makamasa. Inuuna natin ang bayan at ang Pilipino sa pagbibigay-serbisyo. Ito ang serbisyong Tatak Duterte na tanging maipapangako natin. Hindi natin hahayaang masayang lang ang lahat ng pagod at tiyaga ni Pangulong Duterte.


Tahimik lang tayong nagtatrabaho pero ang lahat nang ito ay para sa ikabubuti ng bawat. Ang bisyo natin ay magserbisyo. At ang laban ninyo para sa mas mabuting kinabukasan para sa ating mga anak ay ang laban na ipagpapatuloy natin!



Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page