top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ipagpaliban muna ang pagbabayad ng business tax

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 24, 2021
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | January 24, 2021



Nitong mga nakaraang taon ay nakita natin ang naging kontribusyon ng industriya ng turismo sa ating bansa.


Dumami ang mga foreign at local tourist, lumaki ang kita ng ating mga kababayan, at marami ang nagkaroon ng trabaho.


Ngunit, dahil na rin sa pandemya ay isa ang industriya ng turismo sa mga pinaka-naapektuhang industriya.


◘◘◘


Kung kaya ang panawagan natin ay mabigyan ng tulong ang mahalagang industriya na ito, tulad na lamang ng apela ng mga tourism stakeholder na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng local taxes, bunsod na rin ng pagkalugi o pagsasara ng negosyo.


Kamakailan lamang ay nagpadala ng sulat sa DILG ang Tourism Council of the Philippines, na humihiling na tulungan sila sa mga LGUs na ipagpaliban ang pagbabayad ng business tax.


Nakatanggap ang grupo ng ulat galing sa mga miyembro nitong may mga LGUs na nagpapadala sa kanila ng assessment fees, na ang iba ay base pa sa 2019 na kita.


Hindi naman natin puwedeng asahan na makapagbabayad agad ang mga negosyong ito, dahil na rin sa isa sila sa mga naunang tinamaan mula nang ipatupad ang mga travel restriction noong first quarter ng 2020.


Ayon na rin sa datos, 81% ang ibinaba ng tourism receipts mula Enero hanggang Nobyembre 2020, na mula sa Php437.9 bilyon sa tulad na panahon noong 2019 ay naging Php 81.05 bilyon na lamang.


◘◘◘


Sa kabilang banda ay naiintindihan din naman natin ang side ng mga LGUs. After all, taxes are the lifeblood of public services. But these establishments are also part of their constituency and they provide jobs for our people. Baka tuluyan na silang magsara kung pipiliting magbayad nang hindi naman talaga kaya.


Kung kaya ay hinihikayat nating makipagdayalogo ang national government, mga lokal na pamahalaan, at ang tourism industry upang mahanapan ng solusyon ang hiling nito, upang tuluyang makatayong muli ang industriya.


Nauna na kasing inirekomenda ng stakeholders na i-waive ang corporate at individual taxes para sa taong 2020 ng mga accredited tourism stakeholder at ang pag-waive ng pagbabayad ng mga lisensiya at permits para sa 2020 at 2021.


◘◘◘


Bilang chairman ng Senate committee on Tourism, dalangin natin na sana’y magkaroon ng masinsinang pag-uusap upang makahanap ng compromise, na kinikilala ang pangangailangan ng national at local governments na makalikom ng pondo, at ang survival ng industriyang ito.


◘◘◘


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page