top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ipagdasal ang India, ‘wag ikumpara sa sitwasyon ng bansa

BULGAR
May 2, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 02, 2021


PARA PAGTAKPAN ANG KAPALPAKAN, IBIBIDA NG GOV’T. MEDIA NA MAS MAHUSAY ANG ‘PINAS KAYSA SA IBANG BANSA SA LABAN SA COVID-19—May utos ang Malacañang sa media na nasa kontrol ng gobyerno na ibalita na mas mahusay ang tugon ng Duterte gov’t. sa laban sa COVID-19 kaysa sa ibang bansa na mas maraming tinatamaan at namamatay sa virus.


‘Yan ang taktikang bulok, na para lang mapagtakpan ang palpak na tugon ng Duterte gov’t. sa laban sa COVID-19 ay ibibida ng gov’t. media na mas mahusay sa laban sa COVID-19 ang Pilipinas kaysa sa ibang bansa, buwisit!


◘◘◘


MALING IHAMBING NA MAS ‘OK’ NA 1-M PA LANG NAGKAKA-VIRUS SA PINAS, KUMPARA SA TRAHEDYANG NANGYAYARI SA INDIA—Pinutakti ng batikos si Dr. Lulu Bravo, executive director ng Philippine Vaccine Foundation (PVF) nang idepensa niya na kahit umabot na raw sa higit 1 milyon ang nagka-COVID sa Pilipinas ay hindi pa maituturing na worst ang nangyayari sa bansa kasi mas worst ang nangyayari ngayon sa India na daan-daang libo ang tinatamaan ng virus at libu-libo naman ang namamatay araw-araw sa bansang ito.


Batikos talaga aabutin niya sa publiko kasi dasal ang kailangan ngayon ng India at hindi para ihambing na mas “ok” nangyayari sa Pilipinas kaysa sa trahedyang nangyayari ngayon sa India, period!


◘◘◘


PAGBIGAY-PUGAY NI P-DUTERTE SA LABOR DAY, SINUKLIAN NG BATIKOS NG MGA MANGGAGAWA—Nagbigay-pugay si P-Duterte sa mga manggagawa sa selebrasyon ng Labor Day kahapon, pero imbes na matuwa, batikos ang isinukli ng mga obrero sa pangulo.


May punto ang manggagawa na kondenahin si P-Duterte sa Labor Day kasi bukod sa hindi na tinupad ang pramis na wawakasan na ang endo ay “nganga” lang ang pamahalaan sa milyun-milyong nawalan ng trabaho sa panahon ng COVID-19 pandemic, na ibig sabihin ay walang ginagawang plano para mabigyan ng hanapbuhay ang mga jobless Pinoy, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page