top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

iPad ang birthday gift… ALWYN, TODO-BAWI SA ANAK NILA NI JENNICA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 27, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 27, 2023



Binigyan ni Alwyn Uytingco ng bonggang regalo ang anak nila ni Jennica Garcia para sa kaarawan nito.


Sa isang video na in-upload ng aktor sa kanyang Instagram Story, makikitang tinatakpan ng dalawang bata ang kanilang mga mata at tila naghihintay sa sorpresa ng ama. Maya-maya, inilapag na ni Alwyn sa lamesa ang birthday gift niya para sa bunsong anak na si Alessi. Isa itong paper bag mula sa official reseller ng mga Apple gadgets at products sa Pilipinas na Power Mac Center.


Mukhang expected na ng anak na iPad ang ibibigay na regalo ng amang si Alwyn, kaya napatanong ito ng, “Is it an iPad?


Ang nakakatawang caption naman na inilagay ng aktor: “Sa pagkaka-English ni Alessi, parang nahiya akong magbigay ng sketchbook at 24 pcs. na Crayola.”


Bukod sa mamahaling birthday gift, may wish din si Alwyn para sa anak, “Wish ko na matupad ang pangarap mo.”


Bago nauwi sa hiwalayan ang relasyon ng mag-asawang Alwyn at Jennica, umabot din nang mahigit isang dekada ang pagsasama nila at nabiyayaan pa sila ng dalawang anak na babae.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page