Ion, oks lang sa 'yo? WILBERT, GAME SA TIKIMAN NILA NI VICE
- BULGAR
- May 20, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 20, 2023

Malayo na nga ang narating ni Wilbert Ross mula sa pagiging isang former member ng grupong Hashtags.
As we all know ay nagsimulang makilala ang Hashtags nang maging regular sila sa programang It's Showtime noong taong 2015.
Ngayon ay buwag na ang nasabing grupo at may kani-kanyang solo career na ang iba, habang ang iba naman ay hindi na aktibo.
Isa si Wilbert sa mga sinuwerteng magkaroon ng successful solo career sa showbiz industry. At ngayon nga ay leading man na siya at halos hindi nababakante sa paggawa ng mga proyekto.
Latest project niya ay ang YouTube series na Ang Lalaki sa Likod ng Profile, na nagkaroon ng grand mediacon last Thursday, May 18.

Dahil romance-comedy ang tema ng nasabing YouTube series, malaki ang pasasalamat ni Wilbert kay Vice Ganda at sa buong It's Showtime family, dahil sa mga naituro sa kanya at natutunan niya sa pagko-comedy.
"Sina Vice at ang iba pang It's Showtime hosts ay may malaking impluwensiya kung bakit ako naging komedyante ngayon, lalo na si Kuya Vhong Navarro na nagsabi sa akin na 'You build your own na tatatak na ikaw lang, your own personality sa showbiz na ikaw lang ang meron, kung gusto mong mag-succeed,'" sabi ni Wilbert.
Siyempre, given the chance ay gusto rin daw niyang makasama sa isang pelikula si Vice.
But when asked kung okay sa kanya na magkaroon sila ng kissing scene, aniya ay baka pareho lang daw silang ma-awkward dahil anak nga ang turing nito sa kanya.
"Kasi alam naman ng mga tao na nanay-nanayan ko si Meme Vice. Pero why not kung maganda naman 'yung story. Pero still, ang awkward, 'di ba? Pati siya, feeling ko, makakaramdam din ng awkwardness. Mandidiri 'yun sa akin."
Samantala, present din sa naturang presscon ang iba pang cast ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile, kabilang na ang leading lady niya na si Yukii Takahashi.
Ang nasabing YouTube series ay produced by filmmaker na si Chris Cahilig and directed by Victor Villanueva. Mapapanood ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile sa Puregold YouTube Channel.




Comments