top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Ion, nang umatras sa pagka-konsehal… VICE: THANK YOU, LORD! NASA TAMANG PAG-IISIP ANG ASAWA KO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 30, 2025
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 30, 2025



  • Vice Ganda - Its Showtime

Photo: Vice Ganda - Its Showtime


Super-thankful si Vice Ganda na hindi natuloy ang pagpasok sa pulitika ng dyowa niyang si Ion Perez.


Inamin ito ng Unkabogable Star sa kanyang panayam sa vlog ng broadcast journalist na si Karmina Constantino-Torres na KC After Hours (KC AH).


Matatandaang nag-file ng COC (Certificate of Candidacy) si Ion last October 2024 para tumakbong konsehal sa Concepcion, Tarlac for 2025 midterm elections. Pero makalipas ang isang buwan ay umatras siya sa kandidatura at sinabing gusto raw muna niyang paghandaan ang kanyang pagpasok sa pulitika.


Tanong ni Karmina kay Vice, “When Ion decided to go into politics, pero kalaunan, withdrew, ano ‘yung fear mo nu’ng time na ‘yun? And were you thankful na he didn’t push through with it?”


Sagot ng comedian/TV host, “Yeah, I was thankful na he didn’t pursue but I did not convince him not to pursue it, and I also did not convince him to do it, to file for a candidacy.”


Paliwanag pa niya, “Kasi, ganu’n ‘yung dynamics namin, eh. Hindi ko pakikialaman si Ion, hindi ko iaayon ‘yung kagustuhan ni Ion sa kagustuhan ko. ‘Yung kailangan, ‘yung buhay mo, eh, nakaayon sa kung ano’ng kagustuhan ko, sa ikaliligaya ko, at kung ano ang pabor sa akin. Ayoko ‘yung, ‘Si Ion ay asawa ni Vice,’ ‘Partner ni Vice,’ hindi ‘yun. Si Ion ay si Ion, may sarili siyang life.”


Tsika pa niya, bata pa lang daw kasi talaga si Ion ay nasa public service na ito.

“Si Ion kasi, leader ng mga SK (Sangguniang Kabataan) sa Tarlac. Na hindi alam ng karamihan ‘yun. Na s’ya ay leader at active talaga s’ya sa public service, bata pa lang s’ya sa Tarlac, even before I met him,” lahad niya.


Noon pa nga raw kino-convince si Ion na tumakbong konsehal. At nang sinabi nga raw nito sa kanya na tatakbo siya, aminado si Vice na kinabahan siya pero hindi niya raw ito pinigilan at nagbibigay lang siya ng mga opinyon.


Nang sabihin daw sa kanya ni Ion na hindi na siya tatakbo ay tinanong niya kung bakit pero talagang pinipigil daw niya ang kanyang ngiti.


Sinabi nga raw ni Ion sa kanya na gusto niya talagang tumulong pero hindi pa raw kaya ng loob niya na pasukin ang pulitika, kaya tutulong na lang daw siya sa sarili niyang paraan.


“Tapos niyakap ko s’ya, sabi ko, ‘Thank you, Lord.’ Proud na proud ako sa kanya kasi, s’ya mismo, eh. Sabi ko, ‘Ang galing, ‘no? Nasa tamang pag-iisip ang asawa ko. ‘Yung puso n’ya, nasa tamang posisyon,’” saad ni Vice.


Si Lea Salonga naman ang pinaka-latest victim ng deepfake video gamit ang A.I. (artificial intelligence).


Sa kanyang Facebook (FB) post ay ikinuwento ng OPM icon na may kumakalat daw na video na naka-wheelchair siya dahil sa arthritis at mismong auntie pa niya ang nakakita.

“Just chatted with an auntie of mine from Manila who sent a message that was unnerving. She had just seen a video claiming that I was in a wheelchair due to arthritis and was cured by some treatment,” sey ni Lea.


Aniya ay wala itong katotohanan at okey ang kanyang health.


“I told her that I was fine, minor aches and pains from my job, but that’s it. She was bamboozled by a fake video,” aniya.


Nagbabala ang award-winning singer/theater actress sa mga netizens na maging maingat at mapagmasid.


“A.I. is scary. Stay vigilant and aware,” paalala niya.


Isa lang si Lea sa mga artistang ginagamit ng mga scammers para makapanloko ng mga tao. Ginagawan sila ng fake video using A.I. upang makapagbenta ng mga produkto.


Ang ilan pang nabiktima ay sina Michael V., Anne Curtis, Amy Perez, Ogie Alcasid at Gary Valenciano among others.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page