Invited daw sa oath taking… SANYA, SUPER-HAPI NA NAKILALA SI VP SARA
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 23, 2022

Sobrang thankful ang Kapuso actress at bida ng seryeng First Lady na si Sanya Lopez nang mabigyan ng pagkakataon na makasama at makilala si Vice-President Sara Duterte.
Isa si Sanya sa mga celebrities na naimbitahan sa naganap na inagurasyon ni Sara Duterte bilang bise-presidente ng Pilipinas sa San Pedro Square, Davao City last June 19.
Ipinost ni Sanya sa kanyang IG ang ilang litrato nila ni VP Sara na may caption na, “Privileged to be invited at VP Sara Duterte’s oath taking ceremony.”
Parang in character nga si Sanya sa kanyang outfit na animo’y First Lady nga siya. She looked simple but elegant sa kanyang green Filipiniana terno.
Samantala, last 2 weeks na ng First Lady at marami ang nag-aabang kung ano ang pasabog ng serye sa pagtatapos nito.
Bukod kay Jestoni Alarcon, inaabangan na rin ng mga Kapuso viewers kung sinu-sino pa ang Kapuso stars na magkakaroon ng special participation sa much-awaited finale ng top-rating series.





Comments