‘Inuunggoy’ na naman ang manggagawa sa ‘Anti-Endo Bill’
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 23, 2021
PAGBUHAY NI SEC BELLO SA “ANTI-ENDO BILL”, PANG-ELEKSIYON LANG ULIT—Matapos lumutang ang pangalan ni Sec. Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kabilang sa magiging kandidato sa pagka-senador ng Team Duterte, hiniling niya kay P-Duterte na sertipikahan ulit bilang urgent bill ang Anti-Endo Bill o pagbasura sa kontraktuwalisasyon sa manggagawa.
Walang duda, ang hirit na ‘yan ni Bello ay pang-eleksiyon lang, pampa-pogi points lang sa botanteng manggagawa kasi kung inyong matatandaan na noong Sepember 26, 2018, o pitong buwan bago ang eleksiyon noong May 13, 2019 ay sinertipikahan na ito ni P-Duterte na urgent bill, pero nang manalo na ang kanyang kandidato sa pagkasenador ay ni-reject o vineto ng pangulo ang batas nuong July 26, 2019, boom!
◘◘◘
‘INUUNGGOY’ NA NAMAN ANG MGA MANGGAGAWA SA ‘ANTI-ENDO BILL’—Alam ni Bello at maging ng buong Team Duterte na ang malaking bilang ng mga botante ay nasa hanay ng manggagawa.
At para makuha ang boto ng mga nasa labor sector, kailangang ungguyin na naman ang mga manggagawa sa boladas na wawakasan ng team Duterte ang kontraktuwalisasyon sa ‘Pinas, mga buwisit!
◘◘◘
RESBAK NG MGA MANGGAGAWA, IBASURA ANG DUTERTE-DUTERTE SA HALALAN 2022—Ang problema ng Team Duterte ay kung paano susuyuin ang milyun-milyong manggagawa na sila ang iboto kasi nang i-veto ni P-Duterte ang security of tenure bill o anti-endo noong July 26, 2019 ay nagalit ang mga nasa labor sectors, sunud-sunod na protesta ang ginawa at ang matindi, nagbanta ang mga ito na reresbak sila sa halalang 2022.
May punto naman talagang magalit ang mga manggagawa kasi nasa mesa na ni P-Duterte, nasa harapan na niya ang ipinasang Anti-Endo Bill, at pipirmahan na lang, pero mantakin ninyong ni-reject ng pangulo, at dahil d’yan, asahan nang ire-reject din ng mga workers ang “Duterte-Duterte” sa halalang 2022, period!
◘◘◘
SA BOTO PA LANG NG MGA MANGGAGAWA AY TALO NA ANG DUTERTE-DUTERTE, TAPOS SA SURVEY NG PULSE ASIA AY PANALO NA RAW—Sa totoo lang, napakaimposible ang inilabas na resuta ng survey ng Pulse Asia na top ang “Duterte-Duterte” sa halalang 2022.
Sa boto pa lang kasi ng milyun-milyong manggagawa ay talo na ang Duterte-Duterte, tapos pinalalabas ng Pulse Asia na ang mananalo sa halalan 2022 ay ang mag-amang Duterte, boom!





Comments