top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Inutangan ng P10 K… GABBY, GINAMIT NG SCAMMER PARA MALOKO SI ROCCO

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 26, 2022
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida |February 26, 2022





May warning si Gabby Eigenmann sa publiko na mag-iingat para hindi mabiktima ng mga manloloko dahil muntik siyang magamit ng isang manloloko.


Ginamit ang pangalan at photo ni Gabby sa messaging app na Telegram para mangutang ng pera. Ang siste, si Rocco Nacino ang gustong biktimahin ng manloloko at inuutangan ng P10,000 ng nagpakilalang si Gabby.


May post si Gabby sa Instagram at sabi, “Got a call from my friend @nacinorocco, asking if I was the one messaging him on Telegram... sad to say there’s this person using my name and profile pic asking for money. Pls. do not entertain any message from this person pretending to be me.


Kung sino ka man, tigilan mo ang panloloko sa mga tao. Mas doble ang balik sa karma.”


Nag-comment din si Rocco ng “Be safe everyone!!! Triple check kung totoo mga kumakausap sa inyo lalo na kapag may pera na involved.”


Ipinost ni Gabby ang exchange of messages nina Rocco at ng manloloko na kinumusta pa lang ni Rocco, nangutang na agad ng 10K at babayaran daw agad. Down daw ang bank niya at negative rin siya dahil wala siyang taping. Sagot naman ni Rocco, i-send sa kanya ang Gcash ng kausap.


Biniro pa ni Rocco ang inakalang si Gabby na siguro ay nag-shopping kaya walang pera.


Ang lakas ng loob din ng manloloko na ibigay ang kanyang Gcash at mabuti, bago nagpadala ng pera, tinawagan muna ni Rocco si Gabby at inalam kung ang kaibigan nga ang kanyang kausap sa Telegram, na lumalabas na babae ang may-ari ng legit Gcash account at scammer daw ito.


Ang payo kina Gabby at Rocco, i-report ang manlolokong ito para mahuli.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page