INTERVIEW NI BOY KAY VANESSA HUDGENS, BIGLANG TINANGGAL SA YOUTUBE
ni Julie Bonifacio @Winner | April 18, 2023

Shocked ang mga followers ng King of Talk na si Boy Abunda nu'ng biglang naka-private na ang interview niya kay Vanessa Hudgens sa kanyang YouTube channel na The Boy Abunda Talk Channel.
More than two weeks na ang lumipas, pero 'di pa rin matapus-tapos ang kontrobersiya.
Nagulat ang mga netizens dahil biglang naging unavailable na ang video na may titulong The Interviewer Presents Vanessa sa YouTube channel ni Tito Boy.
Comment ng isang netizen, "I was watching it and you guys removed it. What happened?"
Ang tanong, may nag-react ba kaya biglang ginawang private ang nasabing interview?
Oh, baka naman nagkaroon lang ng technical problem?
Naniniwala naman ang ilang netizens sa kuwento, na ayon na rin sa ilang witnesses during the event, uminit daw ang ulo ni Direk Paul Soriano sa Fast Talk ni Tito Boy na may mga sex-related questions para kay Vanessa, kahit pa nga mukhang game at bubbly naman ang boses ni Vanessa nu'ng sinagot ang mga tanong ni Tito Boy.
Ito ang ilang sey ng mga netizens hinggil sa controversial interview.
"Oh! So, may issue nga. Nagalit si Mr. Powerful sa very gasgas na question na 'sex or chocolates.'"
"Vanessa is not exactly Maria Clara. Her IG posts are far raunchier than a simple question about chocolate or sex."
May trauma kasi ang Fil-Am actress na si Vanessa sa mga ganyang usapin, sapagkat kung natatandaan n'yo, nagkaroon siya ng scandal dati.
At may ilang netizens din ang nakaalala sa naging viral scandal ni Vanessa nu'ng nasa peak ito ng kanyang karera sa Hollywood.
"Siya ang isa sa mga unang celebrities na na-hack ang mga nude pictures in mid-2000s. Hehe!"
"I was the same age as Vanessa and I remember it was a huge deal back then."
"May kumalat na mga nude photos niya, tapos underage pa siya nu'n. Ang ex niya yata ang nagpakalat, eh. Sikat na sila ni Zach (Efron) nu'n because of High School Musical."
Anyway, tuluyan na kayang hindi mapapanood ang The Interviewer Presents Vanessa sa YouTube channel ni Boy Abunda?
Tutukan natin 'yan!





Comments