top of page

INTENSIYON NI ERIC SA PAG-AMING 3 YRS SILA NI TONI, NABULGAR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 17, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 17, 2023


ree

Ano kaya ang nag-udyok kay Eric Fructuoso na ungkatin pa ang nakaraan nila ni Toni Gonzaga na three years daw niyang nakarelasyon?


Ano ang mapapala niya sa kanyang pasabog na lumang-luma na at hindi pag-iinteresan ng mga Marites sa showbiz?


Besides, consistent at pinaninindigan ni Toni na ang kanyang first boyfriend ay si Direk Paul Soriano na kanyang napangasawa. At may dalawa na silang anak.


Tahimik at masaya na ang buhay ngayon ni Toni Gonzaga. Bakit kailangan pang umeksena ni Eric Fructuoso?


Kailangan ba niya ng publicity at gusto niyang pag-usapan siya upang buhaying muli ang kanyang career? Baka naman inakala lang noon ni Eric na may relasyon sila ni Toni dahil naging magkaibigan sila? Hindi 'yun masasabing seryosong relasyon kahit inabot pa ng three years.


Baka ni hindi nga nakadalaw si Eric Fructuoso sa bahay nina Toni at hindi niya nakilala nang personal ang mga parents nito?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page