Insentibo sa magsasakang may maliit na lupang sakahan
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 23, 2022
Dear Chief Acosta,
Ako ay may apat na ektaryang lupang sakahan na kumukuha ng tubig mula sa patubigan ng National Irrigation System. Mayroon bang tulong na maibibigay ang gobyerno kaugnay sa patubig ng aking sakahan? - Gino
Dear Gino,
Ang batas na sumasaklaw tungkol sa inyong katanungan ay ang Republic Act (R. A.) No. 10969 o ang kinikilala bilang Free Irrigation Service Act. Nakasaad sa Section 3 ng batas na:
“Section 3. Scope of Free Irrigation Service. - Upon the effectivity of this Act, all farmers with landholdings of eight (8) hectares and below are hereby exempted from paying irrigation service fees (ISF) for water derived from national irrigation systems (NIS) and communal irrigation systems (CIS) that were, or are to be, funded, constructed, maintained and administered by the National Irrigation Administration (NIA) and other government agencies, including those that have been turned over to irrigators associations (IAs).
Farmers with more than eight (8) hectares of land, corporate farms, and plantations drawing water for agricultural crop production; and fishponds and other persons, natural or juridical, drawing water for nonagricultural purposes from NIS and CIS, or using the irrigation systems as drainage facilities, shall continue to be subject to the payment of ISF.”
Alinsunod sa nabanggit na probisyon ng batas, ang lahat ng magsasaka na nagmamay-ari ng lupang sakahan na may sukat na walong ektarya at pababa ay hindi na magbabayad pa ng irrigation service fees (ISF) para sa patubig buhat sa mga national irrigation systems (NIS) at maging mula sa communal irrigation systems (CIS) na pinondohan, ipinatayo at pinangangasiwaan ng National Irrigation Administration (NIA) at ng iba pang ahensiya ng gobyerno. Ang mga nasabing magsasaka ay hindi na rin magbabayad ng ISF sa mga patubigan na inilipat sa pangangasiwa ng irrigators associations (IAs). Sa kadahilanang ang lupang sakahan na inyong pagmaay-ari ay may sukat na apat (4) na ektarya lamang, kayo ay kuwalipikado para sa nasabing benepisyo.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments