Insecure sa malaking braso… LOISA, AMINADONG NAGPA-SALAMAT, DOK NA
- BULGAR
- Dec 13, 2022
- 1 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | December 13, 2022

Bago matapos ang taon ay nabiyayaan ng bagong blessing ang magkasintahang Loisa Andalio at Ronnie Alonte.
Ang on-and-off screen partners ang pinaka-latest celebrity endorsers ng skin expert na si Cathy Valencia para sa kanyang CV Aesthetics Skin Clinic.
Kuwento ni Loisa, “After four years, ngayon na lang ako nagbalik sa clinic, eh. Kasi before, nag-try ako, parang hindi para sa akin 'yung mga clinic or facials kasi nag-breakout ako. So ngayon, na-try ko itong Cathy Valencia and sobrang iba, as in.
“Ang dami ring nakapansin. Sabi nga ni Ronnie sa akin, ‘Beh, naka-makeup ka ba?’ Walang makeup 'yun. First time na na-try namin, du'n namin napagdesisyunan ni Ronnie na okay dito, at least, may bago na kaming bonding, pampaganda ng skin.”

Isa sa mga favorite treatment na naranasan ni Loisa sa CB Aesthetic Skin Clinic ay ang pagpapa-firm ng braso.
“Dati kasi, ang insecurity ko talaga is ang laki ng arms ko, chubby. So favorite treatment ko 'yung tatanggalin niya 'yung mga fats na ganyan. Effective talaga. Proven and tested.”
Sa six years na relasyon nina Loisa at Ronnie, ang dami raw nilang discoveries sa isa’t isa.
“Para sa akin, kay Ronnie, 'yung pagsasama namin siguro, hindi kami nagsasawa at saka ready kami mag-explore parehas din, kaya 'yun siguro 'yung the best sa relationship namin.
At saka kay Ronnie, hindi siya 'yung parang KJ, parang ganyan. So, ‘yun 'yung best para sa akin,” pahayag ni Loisa.
At ang malaking sikreto raw kaya going strong pa rin ang relasyon nila ay dahil sabay daw silang naggo-grow.
“Opo, ‘yun din po ang maganda sa amin,” diin ni Loisa.





Comments