top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Inoue, nasa kukote na next foe ni Sultan

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | November 10, 2021





Matapos mapagwagian ang bakanteng WBO International Bantamweight title kontra Puerto Rican rising star Carlos “Purin” Caraballo bago ang Undas sa New York City, pangarap ni Jonas “Zorro” Sultan na makatapat ang iba pang foreign boxers higit na si unified IBF, WBA (super) at The Ring 118-pound champion Japanese Naoya “Monster” Inoue.


Determinado at tiwala ang 29-anyos mula Tampilisan, Zamboanga del Norte na sakaling makakuha ng World title shot ay pipilitin niyang masungkit ang korona, kasunod ng UD na panalo sa 10-round fight laban sa dating unbeaten na si Caraballo na tinapos niya ng apat na beses sa magkakahiwalay na rounds.


Kasalukuyang nasa No.10 ranked sa WBA ang dating IBF International super-flyweight at Philippine bantamweight titlist na bukod kay Inoue ay puntirya niya sina dating 118-lb title challenger at Top ranked contender Rau’shee Warren ng U.S. at makakalaban sana noong Setyembre si WBA No.2 contender Gary Antonio Russell. “Tingin ko handa na tayo sa world title fight soon, gusto ko pong makalaban yung mga foreign fighters at No.1 sa listahan ko si Inoue.


Pinaghahandaan naman natin sila at nagbibigay ng eksaktong training at pinag-aaralan silang mabuti,” pahayag ni Sultan sa weekly online PSA Forum kahapon.


“Para sa akin, mas okay pa rin yung mga foreigner yung maging kalaban natin kase mas impressive yung magiging kalalabasan at todo bigay yung magiging laban. Kapag kalaban naman ang Pinoy, kase nangyari na yan sa akin dati, parang wala eh,” sambit ni Sultan na tatlong beses na rin natalo sa mga kababayan mula kina Rolando Servania, Jonathan Francisco at kay IBF super-flyweight titlist Jerwin ‘Pretty Boy” Ancajas.


Gayunpaman, sakaling hindi maiwasan nitong makaharap ang kapwa Pinoy boxer, paghahandaan niya ang mga astiging kababayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page