top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Inoue, kumpleto na ang undisputed world 4-belt

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | December 15, 2022



Kinumpleto ni undefeated Japanese boxer Naoya “Monster” Inoue ang mga kampeonato sa bantamweight division upang maging kauna-unahang four-belt undisputed world champion sa naturang dibisyon nang patumbahin si Paul “The Baby-Faced Assassin” Butler ng England sa 11th round sa Ariake Arena sa Tokyo, Japan.


Dinomina ng husto ng 29-anyos na kampeon ang laban na kinatampukan ng malupit na pagtatapos sa 1:09 ng 11th round kasunod ng malulupit na kumbinasyon mula sa katawan na nagpabagsak kay Butler upang iangat ang kartada sa 24-0 kasama ang 21 knockouts at ang WBO title ni Butler para isama sa WBC, WBA. IBF at The Ring 118-pound titles.


Minsan ng naging undisputed titlist sa 118-lbs si Enrique Pinder ng Panama noong 1972, subalit tanging si Inoue pa lang ang may hawak ng apat na belts sa four-belt era sapol noong 2004 upang maging ika-siyam na undisputed world champion para maging kauna-unahang may hawak ng lahat ng ito sa bantamweight division.


Dahil nakumpleto na nito ang misyon na makuha lahat ng titulo sa bantamweight, plano nitong umakyat sa mas mabigat na dibisyon upang doon maghasik ng lagim.


It's taken me a long time over these past four years but on December 13 I finally became the undisputed bantamweight champion,” wika ni Inoue sa isang interpreter.


The bantamweight division is not easy but I had the goal of becoming undisputed champion and I managed to do that. Now I am thinking of moving up to super-bantamweight.”


Nagpakawala ng malulutong na kombinasyon sa katawan si Inoue sa pagsisimula pa lamang ng opening round hanggang sa magpatuloy ito sa sumunod na round, kung saan nagawa pang makasabay sa upakan ng Briton para manatiling matatag sa pagkakatayo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page