top of page

Inokray ni Vice sa show ni Dingdong na lakas-tama… RESBAK NI ALVIN: ANG PENIS, PARA SA VAGINA, HINDI SA ANUS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 18, 2026



Aragon Alvin - FB

Photo: Aragon Alvin - FB



Tuwang-tuwa kay Vice Ganda ang maraming netizens na sukang-suka na sa mga korup sa gobyerno dahil sa kanyang matapang na pahayag nang maglaro silang mga hosts ng It’s Showtime sa game show na Family Feud hosted by Dingdong Dantes sa GMA-7 last Monday.


Ang unang tanong kasi sa mga players sa nasabing episode kung saan magkalaban ang team ni Vice at team ni Vhong Navarro ay, “Ano’ng salita ang puwedeng mag-describe sa mga magnanakaw sa gobyerno?”


Si Vice ang unang nakapindot ng buzzer at ang sagot niya na halatang may kasamang gigil ay “Hayyyoooppp!!!”


‘Di pa ito nakuntento at humirit pa ng “Mga hayop kayo!!!”


Ilan sa mga comments ng mga netizens ay baka raw nakialam si Vice sa mga writers ng FF at siya ang nag-suggest na itanong ‘yun sa kanila para maisigaw nga niya ang nasasaloob sa nangyayaring lantarang korupsiyon sa gobyerno na hanggang ngayon naman ay hindi pa rin napaparusahan ang mga totoong maysala.


Samantala, maging ang mismong host na si Dingdong Dantes ay obyus namang gustung-gusto rin ang mga ganitong tanong sa kanyang show na simpleng patama talaga sa mga makakapal ang mukhang magnanakaw sa gobyerno.


So, daanin na lang talaga sa laru-laro ang parinig, tutal, pinaglalaruan din naman tayo ng mga nasa posisyon. It’s a tie-atay na lang! Nyahahaha!





Meanwhile, bukod sa naturang sagot ni Vice Ganda tungkol sa mga korup sa gobyerno, napukaw din ang atensiyon ng marami sa naging patama naman niya sa mister ni Izzy Trazona na si Alvin Aragon a.k.a. St. Alvin na ngayon kung bansagan ng madlang pipol.


Tanong kasi ng host na si Dingdong Dantes, “Fill in the blank. Malakas ang _____.”

Agad na sagot ni Vice, “Amats!”


Follow-up question ni Dingdong, “Ano bang hitsura nu’ng mga taong malakas ang amats?”


Sagot uli ni Vice na waring ginaya pa ang facial expression ni St. Alvin, “Ganyan lang” sabay waring nagbunot ng balbas.


At muli, hindi pa ito nakuntento at humirit ng famous line ni St. Alvin na, “Looooord! Paramdam mo naman na mahal mo ‘ko!” kaya tawang-tawa naman si Dingdong.


Nag-trending sa socmed ang masayang eksena sa Family Feud at ilang oras lang ang nakalipas, nag-post si St. Alvin sa kanyang Instagram account ng mahabang mensahe na ang bungad ay: “Isa sa talakayan ay tungkol sa relasyon ng man to gay at gay to gay.”


Dagdag nito, Mukang makabuluhan, Pero masamang impluwensya sa mga Pilipino.. lalo na sa mga bata.”


Pagkatapos ay tipong nag-lecture na ito sa kanyang post (as is), “Ang Penis po ay para sa Vagina hindi po para sa Anus.


“Ang Penis pang penetrate sa isang Vagina. Walang i pepenetrate kapag sa kapwa mo lalaki ito ipepenetrate.


“Hindi rin pwedeng Vagina sa Vagina naman… dahil ang isang purpose nitong Vagina ay para ipenetrate ng Penis.


“Kung sa Anus ng lalaki hindi dapat ito ipenetrate ng Penis dahil labasan ito ng Pupu at Utot or lagayan ng Suppository kapag constipated ka. Hindi penis ang dapat dito, hindi yun ang Blue Print ng Creation ng Diyos sa atin.


“So ang Penis ay Denesign ng Diyos para Ipenetrate ang Vagina sa loob ng buhay Mag asawa ng… Lalaking asawa at babaeng asawa. Ito po ang Normal, Tama, at Mabuti sa Mata ni Hesus.


“Wag ipilit ang Hindi Normal , Hindi Tama , Hindi Mabuti. Sa mga Pilipino at sa mga Batang Pilipino.”


Dahil sa mga litanya ni St. Alvin, iisa lang ang naging espekulasyon ng mga nakabasa nito — ito ang resbak o sagot ng mister ni Izzy sa mga naging patutsada naman sa kanya ni Vice Ganda.


Oh, well, abangan na lang natin kung may sagot uli si Vice Ganda at ang iba pang nasa LGBT community sa ‘lecture’ na ‘yan ni St. Alvin.





MAY kakaibang kahulugan ang numerong ‘seven’ para sa dalawang alternative bands na EarlySeven at Dream Seven. Malinaw itong maririnig sa bago nilang mga music releases. 

Sa musika, ang ‘seven’ ay simbolo ng kabuuan: pitong nota, pitong araw, pitong yugto ng paulit-ulit na pag-ikot. Pero para sa dalawang banda, isa rin itong personal na simbolo ng kanilang pagkakakilanlan at direksiyon bilang artists. 


Para sa EarlySeven, ang No. 7 ay literal na sentro ng kanilang kauna-unahang album na Red Letters, na binubuo ng pitong kanta na pawang nakaugat sa personal na karanasan, emosyon, at mga salitang may malalim na kahulugan. 


Sina Pibo, Bethel, Kryz, Cojay, at bokalistang si El ay nagsimula sa iisang musical background mula sa church ministry bago dahan-dahang nahubog bilang isang full alternative band. 


Ang pangalang EarlySeven ay hango sa oras bago lumubog ang araw, isang tahimik na sandali kung kailan mas malinaw ang mga bagay na tunay na mahalaga – pag-ibig, pamilya, pananampalataya at pangarap. 


Ito rin ang tema ng kanilang debut album. Lahat ng kanta sa Red Letters ay isinulat ni El at nahasa sa mahabang collaborative sessions ng grupo. Pinaghalo rito ang modern pop, alternative rock, acoustic elements, at maging techno-disco-rock. 


Para sa banda, hindi lang pitong kanta ang kahulugan ng numero: limang miyembro ng grupo, ang ikaanim ay ang kanilang production team, at ang ikapito ay ang kanilang mga tagapakinig. 


Samantala, ibang emosyon naman ang dala ng No. 7 para sa Dream Seven. 

Kilala ang grupo sa kanilang mga kantang may matinding hugot, at ngayon ay inilalabas nila ang pinakabagong single na Hi Ex, isang kantang direktang hinugot mula sa personal na karanasan na naging paraan upang mailabas ang bigat ng damdamin. 


Mas mabigat, mas intense, at mas direkta ang tunog ng Hi Ex kumpara sa kanilang mga naunang release, ngunit nananatiling tapat sa trademark ng grupo – emosyonal at totoo. 


Kung ang musika ng EarlySeven ay tungkol sa tahimik na pagninilay bago lumubog ang araw, ang Dream Seven naman ay boses ng sakit at paghilom matapos ang isang paalam. 


Dalawang banda, magkaibang kuwento, pero iisang numerong patuloy na nagbibigay-kahulugan sa kanilang musika. 


Mapapakinggan na ngayon ang Red Letters at Hi Ex sa lahat ng streaming platforms worldwide exclusively released ng Curve Entertainment Inc.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page