Inokray ng mga netizens… KC, HITSURANG MANGHUHULA SA QUIAPO NANG BUMISITA KINA SARAH AT MATTEO

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 2, 2021

Aware na si KC Concepcion sa paggamit ng face mask, kaya nang bumisita siya sa bahay nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ay kuntodo naka-face mask na ang TV host-actress-entrepreneur.
Inestima naman nang mabuti ng mag-asawang Guidicelli ang kanilang guest.
Napansin ng mga netizens na naka-face mask ang tatlo habang nagkakasiyahan.
“Weird naka-mask habang umiinom, hahaha!”
Isang netizen ang sumagot sa komento, “How is keeping yourself safe weird? I do the same. Ibababa ko lang (face mask), iinom na or kakain.”
“Oy, ganyan din ako when I’m with my friends, after naming mag-dinner, nagma-mask na kami habang nag-uusap."
Ang isang netizen ay napansin naman ang hairdo ni KC. Naka-turban kasi ang anak ni Megastar Sharon Cuneta.
“Para namang parloristang manghuhula sa Quiapo ang ayos ni KC.”
“Albularya? Hahaha! Pero ang ganda, ha!”
“Para nga siyang nasa salon eh, lol!”
“Maganda 'yan, KC. They're good influence.”
“Jusko, parang magpapahula sina Sarah kay kc."
Ang isa naman ay pinansin ang ngipin ni Sarah.
“Good for Sarah na ipinaayos ang teeth niya. Sa milyun-milyong kinita niya noon, medyo naawa ako kasi hindi pantay ang teeth niya sa harap. Singer pa naman kaya too obvious.”
"Parang galing Zumba si KC, tapos nag-drop by lang. Pero ang ganda ni bakla. Wish I had skin that good.”





Comments