top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Inokray dahil 'di raw nag-effort… PAJAMA NA SUOT NI MARIAN SA SHOW NI BOY, P23 K!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 28, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 28, 2023




Hanggang ngayon, usap-usapan at may mga nagtatanong pa rin kung bakit pajama ang suot ni Marian Rivera nang mag-guest sa programang Fast Talk with Boy Abunda. And to think na siya ang buena manong guest celebrity sa pilot week ng show ni Abunda.


Ang inaasahan ng mga viewers ay bonggacious ang outfit na isusuot niya dahil siya ang Primetime Queen ng GMA Network. Parang kaswal na kaswal ang dating ni Marian na parang a-attend lang sa pajama party.


Depensa naman ng mga Marian fanatics, huwag isnabin ang suot ni Yan-Yan. Ang multi- colored pajama outfit niya sa show ni Boy ay Louis Vuitton na design pa ng sikat na Japanese artist na si Yayoi Kusama.


Nagkakahalaga lang naman ito ng P23,000 pesos!


Well, bukod pala kina Heart Evangelista, Jinkee Pacquiao at Dra. Vicki Belo, branded din ang mga gamit ni Marian Rivera. Minsan, nagsuot siya ng plain at simpleng bestida pero ang kanyang suot na kuwintas ay worth P2 million naman.


Hindi naman pahuhuli si Marian sa mga mamahaling gamit at alahas. Hindi nga lang niya gaanong ipinag-iingay at idinidispley ang presyo. Ang kanyang mga fans at followers ang tumututok sa halaga ng kanyang mga outfits, bags at jewelries.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page