Iniyakan pa ang paghihiwalay nila, Sharon… KC, AYAW PAUWIIN SI GABBY NANG MAKA-BONDING SA DINNER

ni Nitz Miralles - @Bida | November 21, 2020

Na-interview si Gabby Concepcion ng 24-Oras after ng first dinner date nila ng anak na si KC Concepcion noong November 17, ang unang pagkikita ng mag-ama pagkatapos ng lockdown.
Kuwento ni Gabby, naiyak si KC nang kailangan na nilang maghiwalay para umuwi.
“Kumain kami sa restaurant. Tapos, naawa ako sa kanya. Pauwi na kami, ayaw n’ya akong bitawan. Ayaw n’ya akong pauwiin. Nagkita kami, I think, mga past seven hanggang alas-dose kami nagkasama. Umiyak dahil ayaw n’ya akong iwanan. Naawa naman ako. Sabi ko, 'We could see each other anytime. I’m just a text away.'”
Anyway, malapit nang magsimula ang locked-in taping nina Gabby para sa bago niyang teleserye sa GMA-7 na First Yaya at sa taping pa lang niya makikita nang personal si Sanya Lopez. As it is, sa Zoom pa lang niya nakilala ang aktres.
“Marami na akong naririnig na maganda tungkol sa kanya. Malaki ang fan base niya. At gusto ko, makarating sa kanyang mga fans na I’m really happy na makakasama ko ang idol ninyo at it will be a surprise.”
Dagdag ni Gabby, okay sa Zoom si Sanya, maganda ang energy na nakikita niya sa aktres, kaya excited na siyang makatrabaho ito at excited nang simulan ang kanilang taping.





Comments