Iniwan sa front desk, binalikan... Babaeng call center agent, tiklo sa droga

ni Gina Pleñago @News | September 8, 2026

Photo: Circulated / RMN / IG
Kulong ang 24-anyos na babaeng call center agent makaraang balikan nito ang iniwang pakete na naglalaman umano ng ilegal na droga sa front desk ng isang establisimyento, Lunes ng umaga sa Taguig City.
Iniwan ni alyas April, ng Brgy. North Signal, ang pakete sa front desk ng establisimyento sa Brgy. Ususan at hindi na ito binalikan, kaya't nagpasyang i-report na ito sa pulisya ng pamunuan ng establisimyento.
Habang nagsasagawa ng routine patrol sa lugar ang mga operatiba ni Southern Police District P/BGen. Rodel Pastor, alas-11:30 ng gabi, nagpahiwatig ang K9 drug-sniffing dog na may ilegal na droga sa loob ng pakete at nang buksan ng pulisya, tumambad ang 420 gramo ng high-grade marijuana o kush na nagkakahalaga ng P630,000.
Lunes ng umaga, binalikan ni "April" ang pakete na kanyang iniwan, na nagresulta sa pag-aresto sa kanya matapos makita sa CCTV ng establisimyento na siya rin ang nag-iwan nito sa front desk.





Comments