top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Iniwan ni Liza, nalalaos na… ENRIQUE, PROBLEMADO, AYAW MAGTRABAHO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 27, 2023
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 27, 2023



“Ano na ang update kay Enrique Gil?” ang tanong ng mga fans and supporters ng LizQuen love team nila ni Liza Soberano.


Akala kasi nila ay may gagawin itong TV series at pelikula sa ABS-CBN dahil nag-renew ang aktor ng kontrata sa nasabing network noong Abril 25 at isinama pa nga niya ang fur baby nila ng aktres.


Hunyo na ngayon, wala pa ring balitang nagte-taping o nagsu-shooting na ang aktor.


Pero may mga larawan namang lumabas na magkasama sila ni Liza na hindi malaman kung sila pa ba o hindi na.


Sabi nga ni Nanay Cristy Fermin sa programa nila ni Romel Chika na Cristy Ferminute kahapon nang tanghali sa Radyo 5 92.3 TRUE FM ay, “Nabantilawan! Namarkahan sila ng mga tao kasi hindi kayo nagpapakatotoo, ayan ang nangyayari sa inyo. Para kang talong na nilaga, kalahati luto, kalahati hilaw kaya bantilawan.”


Dugtong ni Romel Chika, “Sayang, napakaganda ng sinimulan, nu’ng dumating sa dulo ay napabayaan.”


Tuloy ni ‘Nay Cristy, “Kasi hindi sila nakakawala ru’n sa ayaw na ayaw na love team ni Liza Soberano. Ayaw na ayaw? Diyan nga kayo nakilala.


“Diyan kayo nagtagumpay. Diyan n’yo natupad sa pagiging magka-love team ninyo ang mga pangarap n’yo sa buhay. Sa bandang dulo, itinapon? Minaliit, ano’ng nangyari? Eh, di bantilawan.”


At nabanggit ni Romel Chika na si Enrique ang nagsa-suffer ngayon in terms of career dahil si Liza ay nakakagawa pa raw ng proyekto tulad ng online app, TVC, plus may mga pictorials din sa isang kilalang magazine.


Anyway, sa pagkakaalam namin ay nagpasabi si Enrique sa ABS-CBN na hindi pa siya handang mag-work, kaya naka-hold lahat ng offers sa kanya at ihahanda na lang daw kapag nagsabi na ito na ready na siyang humarap ulit sa kamera.


Tsika ng aming source ay may personal na problema ang aktor na hindi naman binanggit kung ano. Hindi nga kaya tungkol ito sa relasyon nila ni Liza?


Ang hirap kasing mag-shoot o mag-taping kapag may problema dahil makikita ito sa kamera, kaya siguro nakiusap ang aktor na hindi muna siya magtatrabaho at aayusin muna ang mga dapat ayusin.


Sana, kapag naisip na ni Enrique na bumalik sa pagtatrabaho ay kagatin pa siya ng publiko dahil sabi nga, ‘nabantilawan na siya.’


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page