top of page

Iniwan ng ka-live-in, sinuwerte pa… SUPER TEKLA, INULAN NG TULONG MULA SA MADLANG PIPOL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 3, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 3, 2020




Hindi ini-expect ng comedian-host na si Donita Nose na sa ginawa niyang pagdamay sa BFF niyang si Super Tekla ay babansagan siyang "Pambansang Beshie"!


Marami ang pumupuri sa ginawa niyang pagdamay sa ka-tandem na si Tekla noong ipinahiya ito at sinira-siraan ng kanyang ka-live-in.


All-out ang naging suporta ni Donita Nose sa kanyang BFF. Hanggang sa paglilinis ng dugyot na condo na iniwan ng kinakasama ni Super Tekla ay si Donita rin ang nag-asikaso.


Sa tagal ng pinagsamahan nila, kilalang-kilala na ni Donita Nose ang pagkatao at tunay na ugali ni Super Tekla. Kaya naman, hindi niya iniwanan ang comedian-host sa laban nito at ng live-in partner na si Michelle Bana-ag.


Naging madali para kay Super Tekla ang pakalmahin ang sarili dahil naririyan si Donita Nose, ang kanyang manager na si Mommy Rose Conde at ang kaibigang si Ogie Diaz na nagsilbing tagapagtanggol niya.


Marami rin ang nagpahatid ng kanilang pagdamay at simpatya. May mga nagpadala kay Tekla ng mga gamit tulad ng kumot, unan, punda at toiletries! Kaya naman, kahit masakit ang pinagdaanang pagsubok ay unti-unti nang nakaka-recover ngayon si Super Tekla. Nagagawa na niyang tawanan ang lahat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page