Iniwan man daw ni Jason… "GOD IS WITH ME" — MOIRA
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 9, 2022

Ang daming naka-relate sa pinagdaraanan ng singer at ABS-CBN’s Idol Philippines host na si Moira dela Torre pagkatapos ng hiwalayan nila ng mister na si Jason Hernandez.
Sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay, eksklusibong inilabas ni Moira ang kanyang saloobin sa kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Jason.
At the same time, shinare rin ni Moira ang healing and grieving process niya.
"Siguro po ngayon I’m in a season na hindi ko nakita. Hindi siya, kumbaga, mahilig kasi akong mag-bullet journal, mahilig akong magplano. Kumbaga, wala 'to sa plano. Pero ang galing kasi dito ko po natututunan na mabait talaga si Lord. Kasi dito ko nakikita na parte pala ng grieving 'yung healing, na puwede pa rin pala akong maka-experience ng joy sa umaga kahit umiiyak ako sa gabi," pahayag ni Moira.
Naniniwala si Moira na ang kasalukuyang pain na nararanasan niya ay kayang-kaya ng Diyos na baligtarin into something beautiful.
Akala niya raw kasi dati na kapag dumarating ‘yung mga ganyang moments, iisang feeling ang mararamdaman niya.
"First time, sana, last time na 'yung ganito, eh. It is a foreign feeling to me and I didn't expect it to be like this, but I realized na 'yung what the enemy meant for harm, the Lord always turns into beautiful things. Pero for me, and I know lahat tayo common denominator natin is, when all else fails, God never does and we can hold to Him."
But at the same time, alam ni Moira na may gagawing maganda sa buhay niya ang Diyos.
"I also know na God makes all things beautiful in His time and 'yun talaga 'yung pinanghawakan ko na I may feel like broken glass right now but God can make me a diamond again. And I know I will be whole again, I know he'll be whole again," lahad niya.
Pagpapatuloy pa niya, "Mag-fail man lahat sa buhay ko, I know God will never will and alam ko sa puso ko na true love exists and in my life it may not be in human form but it exists in my life because God is with me. And because He is with me, I can forgive dahil may Diyos ako sa buhay ko. Malaya ako.”
Ang lakas namang maka-comfort ng Magandang Buhay hosts na sina Momshies Regine Velasquez, Melai Cantiveros and Jolina Magdangal kay Moira nu'ng paiyak na siya habang inilalabas ang pain na kanyang nararamdaman.
Sa true lang, swak na swak sina Regine, Melai at Jolina as hosts ng Magandang Buhay.
May nabuo na rin silang “name” for their group na nakita namin sa social media, ang Jo-Re-Me. Knows n'yo na siguro kung saan galing ang Jo-Re-Me, hah?
Kung may Do-Re-Mi (mula sa title ng movie ni Regine with Donna Cruz and Mikee Cojuangco) may Jo-Re-Me na rin.
Bongga.





Comments