Inireklamo sa estafa… SUNSHINE, DEDMA SA PATAWAG SA NBI
ni Julie Bonifacio @Winner | May 14, 2023

Dawit si Sunshine Dizon at siyam na iba pa na inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa prosecution para sa syndicated estafa dahil sa kahina-hinalang investment deal para sa isang “super club” sa Bonifacio Global City, Taguig.
Walang ibang taga-showbiz sa mga inilabas na pangalan ng NBI na kasama sa mga inirekomenda nilang sampahan ng kasong estafa bukod kay Sunshine.
Nakatanggap daw kasi ang NBI ng reklamo mula sa mga nakausap at nakumbinse diumano ni Sunshine at iba pa na mag-invest ng halagang P6 M sa Ikon Worldwide Entertainment, Inc. para sa construction ng club sa isang nightlife hub.
At ang balita, sa mismong condo unit daw ni Sunshine sa Kyusi naganap ang bayaran ng P6 M.
Nagduda na raw ang mga nagbigay ng P6 M kina Sunshine nu’ng ilang beses na-postpone ang opening ng supposed to be bar na itatayo nila.
Ilang beses na raw nagpadala ng sulat para ipatawag sina Sunshine sa NBI pero dedma ang mga taong involved. Kaya hayun, idadaan na lang yata sa korte ang isyung ito.
Well, we hope na maidaan pa rin sa maayos na pag-uusap bago pa man umabot sa korte kung totoo ang alegasyon, huh?





Comments