top of page

Inireklamo raw ng harassment… DIREK PAUL, PINAG-FORCE RESIGNATION NI P-BBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 30, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 30, 2023



Malakas ang alingasngas sa social media ng balitang leave of absence ni Direk Paul Soriano bilang Presidential Adviser for Creative Communications.


Personal reasons ang ibinigay na dahilan ni Direk Paul for his leave of absence. Pero ‘di na raw idinetalye pa ng mister ni Toni Gonzaga kung ano ang mga personal matters na kanyang kinakaharap.


Nag-file raw si Direk Paul ng leave of absence ilang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni President Bongbong Marcos noong July 24.


Maaaring may kinalaman daw ito sa misis niyang si Toni na any moment ay isisilang na ang kanilang second child. (Or, baka nakapanganak na ngayon si Toni?)


May tsika kasi na mas hirap at alarming ang pagbubuntis ni Toni ngayon kesa sa panganay nila na si Seve, kaya kailangan talagang tutukan at samahan ni Direk Paul ang misis.


Sa kabila nito, lumulutang naman sa social media ang tsika na puwersahang pinagbitiw si Direk Paul ng Malacañang sa kanyang posisyon dahil sa patung-patong na isyu diumano sa mister ni Toni.


Una na ang kontrobersiyal na “Love the Philippines” ad campaign ng Department of Tourism.


Ayon sa isang sikat na vlogger na si Maharlika, ipinatawag si Direk Paul ni PBBM matapos ang third investigation ng Malacañang sa kaso ng DOT.


Lumabas daw sa imbestigasyon na nakaturo lahat ang fingers ng mga sangkot sa iskandalo sa DOT kay Direk Paul. Kaya naman, ipinatawag daw si Direk Paul in a separate meeting pero pinabulaanan nito ang mga alegasyon sa kanya.


Pagkatapos noon ay muling ipinatawag daw ng Malacañang si Direk Paul at muling idinenay ang mga pasimuno sa palpak na ad campaign.


Sabi raw ng ilang tao sa Malacañang, sana ay umamin na lang si Direk Paul at nag-sorry, baka naiba pa raw ang desisyon ni Pangulong Bongbong.


Secondly, may tsika nga na may nakaambang harassment case laban kay Direk Paul ang isang mid-20’s na female employee sa Malacañang. At nakarating daw sa high ranking officials sa Malacañang ang tungkol dito.


Ang naturang female employee raw ay pumalag sa mga ipinapadalang direct message (DM) sa kanya ni Direk Paul sa kanyang Instagram.


Dahil dito, napuno na raw nang husto kay Direk Paul ang ninong at tiyuhin niya na si P-BBM. Kaya para maiwasan ang pagsabog ng mga balita against Direk Paul, pinapili raw ang mister ni Toni kung termination or force resignation.


At ang pinili raw ni Direk Paul ay force resignation. Pero ang press release raw ay leave of absence.


Pang-iinsulto pa ng ilang netizens kay Direk Paul, ang dating “powerful” sa gobyerno ay “powerless” na ngayon.


Nakakalungkot ang ganitong balita kay Direk Paul lalo pa’t nasa maselang kalagayan ang kanyang misis. Sana ay malampasan ni Direk Paul ang mga isyu against him at makapagsilang nang ligtas at maayos si Toni sa kabila ng mga pinagdaraanan nila.


Tingin namin, kaya naging maselan ang pagbubuntis ni Toni for her second child ay dahil na rin sa stress kaugnay ng mga ibinabatong isyu sa kanila ni Direk Paul.


Hay, naku, mas mabuti pa yata na muling mag-concentrate na lang si Direk Paul sa pagpo-produce at pagdidirek kesa naging government official siya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page