Inireklamo ng cyberlibel… XIAN KAY MICHELLE: STRATEGY LANG NIYA ‘YAN DAHIL NASIRA SIYA SA PAMBUBUGBOG SA DRIVER
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 17, 2026

Photo: Xian Gaza at Michelle Dee - FB / Instagram
Personal nang inireklamo ni Michelle Marquez Dee (MMD) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang controversial social media personality na si Xian Gaza ng cyber libel.
Kasama sa mga inireklamo ang four Facebook (FB) pages ni Gaza dahil sa pagpapakalat ng false information tungkol kay Michelle online.
Sa NBI sa Pasay City nag-file ng cyber libel si Michelle at ibang individuals kasama ang lawyer niyang si Atty. Maggie Garduque.
Sa interview sa kanya, sinabi ni Michelle na may tiwala siya sa justice system at lalabas din ang katotohanan lalo na’t totoong buhay ang apektado.
“I know I’m on the right side of this. I put my trust in our system, and I know that lalabas naman po ang kailangang lumabas.
“But am I worried? I’m just happy to be celebrating Chinese New Year very soon,” sabi pa ni Michelle.
Mabilis namang nakarating kay Gaza na inireklamo siya ni Michelle sa NBI at may pahayag siya.
Aniya, “Good move. Very strategic. Wais. Para ma-divert kay Xian Gaza libel ‘yung buong issue at malayo sa driver na binugbog nila at idinetain illegally. The news headlines will become Michelle Dee vs. Xian Gaza tapos s’ya na ngayon ‘yung biktima na lumalaban.
“Because let’s be real, the threesome tsismis did not hurt her career at all. Ilang taon nang maingay ‘yung issue na ‘yan. Nakatulong pa nga sa kanya actually.
“The truth is, nasira ‘yung pangalan n’ya dahil kay Kuya Driver so kailangan nila akong kasuhan for damage control. At the same time, ‘yung mga journalists, news agencies, and content creators na magpo-post sa kanya in the future ay mangingilag na. That’s the clear message for everyone. To save her name and career. I fully understand the bigger picture. In Tagalog, nauunawaan ko si Michelle Dee. Happy to help, may God bless her.”
Comment ng mga netizens, mas mahaba pa ang post ni Xian sa interview ni Michelle tungkol sa pagpa-file niya ng cyber libel case laban sa social media influencer.
Dagdag pa nito, “‘Yung mga tsismis sa buhay ng mga celebrities ay normal at madaling lusutan. Ang mahirap ay ‘yung ma-news headline kang nambugbog ng isang ordinaryong tao.”
BF, super-sipag mag-comment sa post ng aktres…
ANDREA AT PANKIE, ‘HONEY’ ANG TAWAGAN
‘Honey’ siguro ang term of endearment ni Andrea Brillantes at ng boyfriend niyang si Franchesko Juan Capistrano o Pankie dahil sa isang post ng aktres, nag-comment si boyfie ng ‘Honey’. Kaya feeling ng mga nakabasa, ito ang tawagan ng magdyowa na ikinakilig nila.
Nakakaaliw nga ang comment ng mga fans na, “Dito tayo sa always early,” dahil laging nauunang mag-comment si Pankie every time may bagong post si Andrea.
Ang biruan nga, siguro, lagi itong tutok sa Instagram (IG) ng GF kaya mabilis mag-comment.
May nag-comment namang “Buwenas ka boy,” “You’re lucky to call her yours,” “Pwera usog,” “My love so sweet,” at ang nakakatuwang “Sa ‘yo lahat ‘to?”
May nagpayo naman kay Pankie ng “Sana naman, mahalin mo nang totoo si Andrea kasi ang girl na ‘yan, mapagmahal. Give her respect and love. God bless you.”
And speaking of Andrea, sumabak agad ito sa taping ng series nila ni Enrique Gil sa TV5 na A Secret In Prague (ASIP) at sa photoshoot for Guess pagbalik ng ‘Pinas. Tuwang-tuwa sa kanya ang manager na si Shirley Kuan dahil masipag at walang kapaguran.
Hirit ni Alvin, Izzy, pinatigil ni Lord sa pagiging Sexbomb… SUE: MAS KASALANAN ANG MAGING GALIT SA BAKLA
KABILANG ang aktres na si Sue Ramirez sa mga nag-react sa pahayag ni Alvin Aragon tungkol sa pagre-resign ng asawang si Izzy Trazona sa Sexbomb.
Sa isang radio interview, sinabi ni Alvin na ang Panginoon ang nagpa-resign kay Izzy sa Sexbomb. Sabi nito, “Pinag-resign ni Lord. Sabi ni Lord kay Izzy, ‘Come. Follow me. I will make you fishers of men.’ Nag-obey si Izzy du’n.”
Nag-react si Sue sa comment section ng post ng ABS-CBN News.
“Na para bang kasalanan maging Sexbomb?”
Sinundan ng comment na, “Mas kasalanan kaya maging homophobic at transphobic.”
Ang tinukoy ni Sue na mas kasalanan ni Alvin ang maging homophobic at transphobic ay dahil hindi nila tanggap ni Izzy ang transwoman na anak na si Andrei na ngayon ay si Sofia na.
Naging daan ang comment na iyon ni Sue para mag-comment ang mga netizens. May sumagot at may mga nag-share ng opinion.
Wala pang sagot sina Alvin at Izzy sa comment ng aktres.
Anyway, galing sa Japan si Sue Ramirez at boyfriend na si Dominic Roque. Kita sa mga photos na ipinost ng aktor na nag-enjoy sila sa kanilang bakasyon.
Tila favorite nila ang Japan dahil sa caption ni Dominic, sabi nito, “LezzzGo (let's go) back to Japan.”








Comments