top of page

Inili-link kay Chavit, naghamong ilabas ang picture nila… “I NEVER MET HIM” — JILLIAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 22, 2025



SPECIAL - “I NEVER MET HIM” - JILLIAN_YT GMA Network (FTWBA)

SS: JILLIAN_YT GMA Network (FTWBA)



Emosyonal na tinuldukan ng Kapuso Princess na si Jillian Ward ang mga malisyosong isyung ikinakabit sa kanya simula pa lang daw nu’ng 16 yrs. old siya.


Sa panayam sa kanya kahapon ni Tito Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda, umiiyak na pinabulaanan ni Jillian ang isyung may rich benefactor siya na nag-sponsor ng kanyang bonggang debut sa Okada Manila at nagbigay umano ng kanyang mga luxury cars.


Ayon kay Jillian na 20 yrs. old na ngayon, gustung-gusto na sana niyang sagutin ang isyu tungkol sa rich benefactor daw niya nu’ng 16 yrs. old pa lang siya, pero sinabihan daw siyang hindi naman niya kailangang patulan pa ito dahil wala namang katotohanan.

Pero dahil nga sa naging panayam namin kay dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson last week sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery kung saan natanong ang rich businessman-former politician tungkol sa blind item na nagli-link sa kanila ni Jillian, na sinagot naman ni Manong Chavit na “Marites lang ‘yun,” muling nabuhay ang tsismis tungkol sa kanila.


Nabasa raw ni Jillian ang mga comments ng mga netizens tungkol sa naturang video interview kay Manong Chavit at du’n na siya na-hurt sa mga below the belt na akusasyon sa kanya ng mga netizens na wala naman daw katotohanan.


Pagdidiin ni Jillian, anumang meron siya ngayon ay pinaghirapan niya at napakasakit para sa kanya na pagbintangang may rich benefactor dahil halos naoospital na nga raw siya sa kakulangan ng tulog at sobrang pagod sa pagtatrabaho kumita lang ng pera.


Masakit din para sa kanya ang mga akusasyong ang mismong ina pa raw niya ang naghahatid sa kanya sa backdoor ng Okada para ma-meet ang kanyang ‘sponsor’. Hindi raw siya pinalaki nang ganito, kaya hindi na kinaya ni Jillian ang mga fake news na ibinabato sa kanya at nagsalita na para matapos ang issue.


Diretsahan na ring sinagot ni Jillian ang pag-uugnay sa kanya kay Manong Chavit, na in fairness, una na nga ring nag-deny tungkol sa diumano’y relasyon nila.

Paulit-ulit na pagdidiin ng magandang dalaga, “Never ko po siyang nakilala. Never ko po siyang na-meet. Never ko po siyang nakausap. Never po kaming nagkita.


“Hindi po talaga totoo. I never met him. Never po kaming nagkausap. Hindi ko nga po alam kung kilala niya po ako, eh. Hindi po talaga kami magkakilala.”


At ang hamon niya sa mga gumagawa ng maling istorya tungkol sa kanila, “Kaya nga po sabi ko, kung meron sila nu’ng sinasabi nilang CCTV footage, ilabas po nila, ‘wag lang AI.”

Samantala, napag-usapan na rin daw nila ito ng GMA bosses at binabalak na nilang mag-take ng legal actions para matigil na ang pagpapakalat ng mga mali at malisyosong tsismis tungkol sa kanya. 



FIRST horror movie na ginawa at pinagbibidahan ni Charlie Dizon ang Near Death na isa sa mga entries sa 2025 Sine Sindak Film Festival ng SM Cinemas na mapapanood na sa October 29 mula sa direksiyon ni Richard Somes.


Pero kahit first time mag-horror ni Charlie, nabigyan niya ng justice ang role ni Julia na babaeng nag-suicide dahil sa mga ‘bulong’ na kanyang naririnig, pero pinagdududahan din ng kanyang kapatid, played by Xyriel Manabat, na mental health problem.


Napanood namin ang Near Death sa premiere night nito last Sunday sa SM The Block Cinema 3 at proud na ibinalita ni Direk Richard Somes sa talkback after the screening na sila lang ang Filipino film sa lahat ng entries sa Sine Sindak 2025 at mapapanood daw sila sa 86 cinemas.


Kaya naman, ang bongga-bongga ng first horror film ni Charlie Dizon at tiyak na mape-paid-off ang lahat ng pagod at pisikal na hirap na pinagdaanan niya doing the film. 

Panoorin n’yo ang Near Death at saka n’yo maiintindihan kung bakit sinabi ni Charlie na physically challenging ang role niya rito.


Samantala, dahil Near Death ang title ng movie, natanong ang lead cast na kinabibilangan nina Charlie Dizon, Xyriel Manabat, Lotlot de Leon at RK Bagatsing kung nakaranas din ba sila ng ganito in real life.


Ang umaming dumaan hindi lang sa ‘near death’ experience kundi sa mental health problem din ay si Xyriel Manabat.


Pag-amin nito, “Ako po, opo, nagkaroon ako ng near death experience sa ospital at saka sa buhay. Sa ospital, naranasan ko ‘yung tinatawag na ‘yung nurse kasi unresponsive na ako. Tapos sa buhay naman, nakaranas na ako na parang Julia, at an early young age, maaga kong na-feel na parang ayoko na, tapos na ako. So yes, marami na po akong near death experience sa medical at saka sa mental na aspeto.”


Si Charlie naman, bagama’t nalulungkot din siya kung minsan dahil sa mga pinagdaraanan niya, malaki raw ang tiwala niya sa Diyos kaya hindi siya umaabot sa puntong nade-depressed at wala siyang suicidal tendency tulad ng kanyang role sa Near Death.


Tinanong naman namin si Direk Somes kung saan ibinase ang ilang eksena sa Near Death na nakakapanakit ang ilang bad elements at sabi niya, maraming research siyang pinagdaanan at ibinase niya ito sa nakasulat sa librong Dante’s Inferno kaya hindi masasabing likhang-isip lang ang mapapanood sa pelikula.


Pero kung anuman daw ang magiging epekto nito sa manonood, bilang filmmaker, ang trabaho niya raw ay i-present ang kuwento at hindi mag-educate kaya depende pa rin daw sa interpretation ng moviegoer kung paano niya iintindihan ang kuwento ng Near Death


Produced by Diamond Productions, CMB Films, and RVS Studio, kasama rin sa cast ng Near Death na palabas sa SM cinemas on October 29 sina Joel Torre, Nikka Valencia, Soliman Cruz among others.


Dumating din sa premiere night sina Carlo Aquino at Jane Oineza bilang suporta sa kani-kanilang sweetheart na sina Charlie at RK respectively.


1 Comment


shopwesternjacketofficial
3 hours ago

The Yellowstone Dutton Ranch Vest is an iconic piece of television wardrobe, symbolizing the hard work and legacy of the ranch. Own a piece of the story from Western Jacket.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page