top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Inilaglag ni Carla… TOM, TAMEME KAHIT PINAGPIPIYESTAHANG BADING

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2022
2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 28, 2022




Hindi nga matatapos ang usap-usapan at tsismis sa paghihiwalay nina Carla Abellana at Tom Rodriguez hangga’t hindi sila mismo ang nagbibigay ng official statement.


Nagsasanga-sanga na ang mga balita at magkakaiba ang reaction-opinion ng publiko.


Hindi matatahimik ang mundo ng showbiz hangga’t hindi nila nalalaman ang real score sa paghihiwalay ng mag-asawa.


May ilang hindi naniniwala na diumano ay may third party involved. Naiintriga naman ang ilang netizens sa mga posts ni Carla Abellana sa social media. Puro padaplis lang ang kanyang sinasabi at ayaw pang tukuyin kung ano ang tunay na dahilan kung bakit bigla niyang inayawan ang mister na si Tom.


Ipinagtataka ng marami ang pag-like ni Carla sa tanong kung gay ba si Tom tulad ng nababalita.


Tuloy, marami ang nagtatanong ngayon kung totoong bading nga ba ang aktor at ito raw kaya ang sikretong natuklasan ni Carla?


Wala namang marinig na reaksiyon mula kay Tom tungkol sa mga pasaring ni Carla at nananatili itong tahimik.


Well, hanggang saan ba makakarating ang masalimuot na marital problem na ito nina Carla at Tom? Sa paghihiwalay na nga ba mauuwi ang lahat? Sayang na sayang ang pitong taon na kanilang pinagsamahan noon. Sana ay maisalba pa nila ang kanilang marriage.


Dahil kay Bianca… RITA AT KEN, TULUYAN NANG NAGHIWALAY


Nagtatanong ang mga tagahanga ng tambalang RitKen (Rita Daniela at Ken Chan) kung tuluyan na bang mabubuwag ang kanilang love team?


Ngayon kasi ay pinaghiwalay muna ng GMA Network sina Rita at Ken. May kani-kanya muna silang projects na pinagkakaabalahan.


Si Rita ay may guesting sa ibang shows ng GMA-7. Katatapos lang niyang lumabas sa Magpakailanman.


Si Ken naman ay makakasama ni Bianca Umali sa bagong series ng Mano Po, ang Her Big Boss.


May partisipasyon din dito ang dating Kapuso actor na si Teejay Marquez.


Rom-com ang tema ng ikalawang handog ng Mano Po series.


Kung si Bianca ay nakilala bilang dramatic actress, sa Her Big Boss ay makikita ang kanyang funny side na for sure, kakayanin namang sabayan ni Ken Chan.


Mapapanood na ngayong Lunes sa GMA-7 ang Mano Po: Her Big Boss pagkatapos ng My First Lady.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page