Inilaglag ng campaign manager... Missouri candidate, buking sa ‘tanim-droga’
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Justine Berganio @Overseas News | September 5, 2026

Photo: Si Jonathan Meléndez, na 38-year-old keyboardist ng indie rock band na Camilo Séptimo - Circulated
Kinasuhan ng federal prosecutors ang Republican candidate na si Thomas Christopher Ross, 37, dahil umano sa sabwatan para magtanim ng droga sa kanyang katunggali sa primary election.
Ayon sa FBI affidavit, nakipagsabwatan umano si Ross sa kanyang campaign manager para ilagay ang cocaine at Adderall sa sasakyan o bag ng kalaban niyang si Louise Secker, saka ipaabot sa pulisya bilang anonymous tip.
Hindi natuloy ang plano, matapos i-report mismo ng campaign aide ang umano’y pakana sa pulisya na kalaunan ay iniakyat sa FBI. Ibinigay rin nito ang mga droga at text messages na umano’y ipinadala ni Ross.
Nanalo si Ross sa Republican primary para sa Missouri House District 161 sa lamang na 33 boto noong Agosto.
Nanawagan naman ang Missouri Republican Party kay Ross na magbitiw bilang nominee, habang maaari siyang maharap sa hanggang 20 taong pagkakakulong kapag napatunayang nagkasala.
PAMAMARIL SA APARTMENT, TODAS, 6 SUGATAN
Patay ang dalawang katao habang anim ang sugatan, kabilang ang tatlong pulis, matapos ang pamamaril sa isang high-rise apartment building sa downtown Minneapolis nitong Miyerkules ng hapon.
Nagsimula ang insidente nang makatanggap ang Minneapolis Police ng report tungkol sa isang binaril sa apartment sa 15 E. Grant St. alas-4:36 ng hapon. Ilang sandali pa, sunud-sunod na tawag sa 911 ang natanggap dahil sa naririnig na mga putok.
Agad rumesponde ang mga pulis at pumasok sa gusali kung saan nakatagpo sila ng mga biktima at nakarinig ng karagdagang putok. Sa itaas na palapag, nakipagpalitan umano ng putok ang mga pulis sa suspek, na kalaunan ay nasawi rin.
Limang katao ang tinamaan ng bala, kabilang ang dalawang pulis. Isang pulis naman ang nagtamo ng ibang injury. Stable ang kalagayan ng tatlong officer, habang hindi life-threatening ang kanilang mga sugat.
Ayon kay Minneapolis Mayor Jacob Frey, isa sa mga pulis ang tinamaan sa binti habang dalawang tama sa tiyan ang tinamo ng isa pa. Pinuri niya ang mga officer sa pagtulong na mailabas ang mga residente at madala sa ospital ang mga biktima kahit nasa ilalim sila ng putukan.
Apat na may tama ng bala ang dinala sa ospital kung saan isa ang namatay, habang isa pang biktima ang binawian ng buhay sa mismong lugar.
Hindi pa inilalabas ang pangalan ng suspek, ngunit sinabi ni Interim Police Chief Bill Peterson na kilala na ng pulisya ang lalaki. Hindi rin malinaw kung paano ito nasawi.
Nagpakalat ng SWAT at armored vehicles sa lugar, habang pinaiwas muna ng city government ang publiko sa paligid ng Loring Park. Kalaunan, idineklarang ligtas ang lugar at wala nang banta sa publiko.
Rumesponde rin ang FBI at Bureau of Alcohol, Tobacco, Firearms and Explosives (ATF) upang tumulong sa imbestigasyon.





Comments