top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Inilabas sa IG… HUBAD NA KATAWAN NI ALDEN, PINAGPANTASYAHAN NG NETIZENS

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida |February 04, 2022





Nakakaaliw basahin ang mga comments sa Instagram post ni Alden Richards kung saan topless at kita ang four-pack abs ng aktor sa picture.


Photo shoot ‘yun ng Kapuso actor kay Marc Nicdao para yata sa isang endorsement. Ayun, sinugod ng mga supporters ng aktor at pati ang mga kaibigan ni Alden, sumali sa katuwaan sa kanyang IG.


Kapag lumabas na ang photos ni Alden o kung para sa endorsement man ang photo shoot, mas marami pa ang magko-comment at magla-like sa photos na ang bilis umakyat ng likes. Kabilang sa nag-like sa post ni Alden ay si Andrea Brillantes na inaming fan siya ng aktor at gusto niyang makasama ito sa pelikula.


Sample ng mga comments, “Kape na lang ang kulang,” “Mamahalin, pagsisilbihan, paglulutuan,” “Kaka-lunch ko lang, kanin pa,” “Yes, I’ll marry you na agad,” at ang “Teka lang, parang lalagnatin yata ako.”


Nagbunga ang pagwo-workout ni Alden na kahit nasa bakasyon sa Amerika last December, tuloy pa rin.


Wish ng mga supporters ng aktor, makita nila sa movie at teleserye nila ni Bea Alonzo ang abs ni Alden.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page