Inialay kay Manay Lolit… ALFRED, GUMRADWEYT NA VALEDICTORIAN SA UP
- BULGAR

- Jul 9, 2025
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 9, 2025
Photo: Alfred Vargas - Instagram
Inialay ni Alfred Vargas sa kanyang pumanaw na manager na si Lolit Solis ang pagtatapos sa University of the Philippines School of Urban and Regional Planning (SURP) noong Sabado na isinagawa sa UP Film Center.
Ang aktor/public servant ang valedictorian ng Diploma on Urban and Regional Planning (DURP) program ng UP Diliman Class of 2025. Nakakuha siya ng pinakamataas na academic standing na may General Weighted Average (GWA) na 1.0288 at ginawaran ng Dean's Medallion.
Emosyonal si Alfred habang tinatanggap ang diploma at achievement na inialay niya sa kanyang 21-taong manager na si Manay Lolit na pumanaw last July 3.
“‘Nay Lolit, para sa ‘yo ang tagumpay na ito,” luhaang sambit ni Alfred sa kanyang valedictory speech.
Pinasalamatan ng konsehal ng 5th District ang kanyang pamilya (asawang si Yasmine at apat na anak na sina Alexandra, Aryana, Cristiano at Aurora) sa suporta at pang-unawa sa kanya sa lahat ng kanyang pagsisikap.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Alfred na ang epektibong urban planning ay higit pa sa teknikal na kaalaman—mahalaga rin ang pagiging makatao para makalikha ng mga komunidad na tunay na maginhawa at progresibo.
Kasabay nito, nanawagan ang aktor/pulitiko sa mga kapwa bagong urban planner at hinikayat ang mga ito na unahin ang kabutihan at malasakit sa kanilang mahalagang papel bilang mga tagahubog ng siyudad sa bansa.
“This graduation is meaningless if we choose indifference over kindness, if we prioritize ourselves over others, or if we abandon our principles and the fight for what is right,” ani Alfred.
“Walang halaga ang ating pagtatapos kung hindi natin isasabuhay ang kabutihan at kagandahan ng loob. Simple pero totoo. Walang halaga ang lahat ng ito kung tayo ay mananatiling bulag at manhid sa mga nangyayaring kasinungalingan, katiwalian, pati na rin ang malawak na kahirapan,” dagdag pa ng aktor.
“Hindi sapat ang ating mga kamay. Kailangan natin ng puso,” wika pa ni Alfred.
Aniya, “Hindi sapat ang teknikal na kaalaman o malalim na expertise para maging urban planner—kailangan natin ng puso at malasakit.”
Binigyang-diin din niya na ang kabutihan ang ugat ng ‘malasakit, good governance, paninindigan para sa social justice, paggalang sa pagkakapantay-pantay, at pagkilala sa dignidad ng bawat isa.
Sinabi rin ni Alfred ang mahalagang papel ng kabutihan sa pagharap sa mga malalang isyu sa urban planning.
“Without kindness, we cannot find sustainable and inclusive solutions to the pressing challenges in urban planning—overpopulation, housing shortages, inadequate infrastructure, environmental degradation, traffic congestion, urban blight, resource scarcity, poor health and safety, substandard education, social inequality, and more.
“Go beyond tokenistic public consultations. Genuinely listen to and empower diverse community voices, especially those often marginalized, in the planning process,” pahayag ng konsehal.
Nagpakitang-gilas si Alfred sa mahigit na 26-unit na programa ng DURP, na naghahanda sa mga nagtapos para harapin ang kumplikadong hamon sa urban at regional planning.
Ang akademikong tagumpay ay nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa patuloy na pag-aaral na karagdagan sa kanyang AB Management Economics degree mula sa Ateneo de Manila University at Master’s degree sa Public Administration mula sa UP Diliman’s National College of Public Administration and Governance (NCPAG).
Ipinagpapatuloy pa ni Alfred ang pag-aaral sa Urban and Regional Planning sa SURP hangga’t maabot niya ang kanyang PhD.
Dapat malinis at mabango rin daw…
BARBIE, LALAKING MAPERA ANG GUSTONG IPALIT KAY JAK
NAKAKATUWA ang kuwento ni Barbie Forteza na hindi raw niya alam kung nagpaparamdam ba ang isang guy sa kanya.
“Du’n ako nahihirapan,” aniya sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa vlog na Toni Talks (TT) sa YouTube (YT).
Paliwanag ng aktres, “Nahihirapan ako kasi for the longest time, I was in a relationship. So, now that I’m single, I don’t know when someone is trying to show interest or just really genuinely, like, caring for me or talagang friendship lang ‘yung gusto or flirting na ba ‘to?”
Mensahe nga niya sa mga guys, “Diretsuhin n’yo na kasi, hindi ko talaga naiintindihan ‘yan, pasensiya na.”
Aminado naman siyang bukas siya to entertain suitors at magmahal ulit matapos nga ang breakup nila ni Jak Roberto.
“Open for applicants, charot!” sambit niyang natatawa.
When asked kung ano ang mga qualifications na hinahanap niya para pumasang maging next boyfriend niya, gusto raw niya ay ‘yung malakas ang dating at hindi raw masyadong importante na sobrang guwapo.
Bet din daw niya ‘yung mga clean-looking guys at palaging mabango.
“‘Yung mukhang prince charming,” sambit pa niya.
Pagdating naman sa ugali, gusto raw niya ay masarap kausap at kasama, sensible, empathetic, may sense of humor, goal-oriented at family-oriented.
Isa rin sa mga requirements niya ay stable na ang guy.
“Hindi naman na siguro kalabisan ‘yun kasi 27 na ‘ko, gusto naman natin ng financially stable sa buhay, ‘di ba?” sey pa ng aktres.










Comments